Nakakalungkot ang ginawa ng bagyong Rosita
NAKIKIRAMAY tayo sa mga naulilang pamilya sa pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Mt. Province, ng humagupit ang bagyong Rosita roon.
Sabi sa report, may dalawang namatay ang nakuha matapos matabunan ng lupa yesterday sa gusali ng Department of Public Works and Highway, ng magkaroon ng landslide sa Natonin, Mt. Province.
Pinaniniwalaang may 24 people ang na-trapped pa sa landslide.
Karamihan sa mga biktima ay mga manggagawa sa gusali ng DPWH.
Nagtataka ang mga opisyal sa Natonin dahil hindi nila inaasahan na magkakaroon ng pagguho ng lupa kasi hindi naman kalakasan ang dalang ulan ng bagyong Rosita rito.
Kabilang sa mga na-trapped sa building ay mga DPWH contractors, project engineer, security guards, at mga evacuees.
Hindi biro ang daan patungo sa lugar na pinangyarihan, may four hours ang land travel sa zigzag roads galing Bontoc proper.
Sabi nga, mga helicopters ang kailangan para mapadali ang rescue and retrival operations.
Abangan.
• • •
NAIA’s terminal fees hike
Sumabay na sa price hike sa Philippines my Philippines ang singilan blues ng terminal fees sa mga international at domestic passengers na aalis sa NAIA.
Wala raw pumalag sa proposed adjustment noong magkaroon ng public hearing the other day?
Sino kaya ang mga dumalo sa ginawang pagdinig?
Mga pasaherong affected kaya sa terminal fee hike o mga taga - MIAA officials lamang?
Kung mga MIAA officials ang nagsidalo sa pagdinig sigurado akong walang a-angal pero kung may mga pasaherong inimbita para sumama sa hearing ibang usapan ito? Hehehe!
Ang increase terminal fees para sa mga international flights ay P750 from P550, at ang domestic flights increase ay P300 from P200.
Dati ng P750.00 ang ibinabayad na airport fees nang mga international passengers.
Nagkaroon lang ng political issues kaya ibinaba ito sa P550.00.
Ang new terminal fees ay ipapatupad sa April 2019.
Itinaas ang singilan blues ng mga bright people sa Manila International Airport Authority para raw sa infrastructure at mga service improvements sa NAIA.
Sinasabi ng MIAA’s finance department na makakaranas sila ng deficit kung hindi nila itutulak ang terminal price hike.
Ang airport ay kumikita ng P4 billion annually at 36% collections dito ay mula sa mga pasaherong nagbabayad ng terminal fees.
- Latest