^

Punto Mo

Pizza delivery boy sinagupa ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan sa loob ng 2 dekada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SIKAT ang isang hindi pa nakikilalang pizza delivery boy sa Japan matapos mag-viral sa social media ang video ng kanyang pagsagupa sa Typhoon Jebi, na isa sa mga pinakamalakas na bagyong sumalanta sa nasabing bansa sa loob ng 20 taon.

Ang kumalat na video ay nagmula sa Japanese Twitter user na si @pur305 at makikita sa kuha ang delivery boy habang nakatigil sa gitna ng kalsada sakay ng kanyang pu-ting scooter. Hindi na magawang makaabante ng delivery boy sa lakas ng hangin na humahampas sa kanyang direksyon.

Sinubukan pa ng lalaki na indahin ang lakas ng ha-ngin ngunit itinumba na ng hangin ang kanyang motorsiklo dahil sa puwersa nito. Kinailangan pa niyang tumalon upang hindi madaganan ang kanyang paa ng natumbang motorsiklo.

Makikita sa pagtatapos ng video na nakahawak na ang lalaki sa orange traffic barrier na nasa gitna ng kalsada upang hindi siya tangayin ng malakas na hangin.

Marami naman ang nagtataka kung ano ang ginagawa ng delivery boy sa lansangan gayong binalaan na ang publiko na manatili na lang sa loob ng bahay dahil ang Typhoon Jebi ang magiging pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa loob ng dalawang dekada.

Labing-isa na ang namamatay at 300 ang sugatan dahil sa Typhoon Jebi simula nang mag-landfall ito sa Japan noong nakaraang Martes.

TYPHOON JEBI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with