^

Punto Mo

Kalusugan ni Digong, huwag pagdudahan

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat pagduduhan ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Nagsalita na ang Malacañang at sinabing nagpapahinga lang ang Presidente matapos ang sunud-sunod na biyahe sa ibang bansa at ang pagtutok sa problema sa Marawi City na sinalakay ng Maute group.

Hindi naman maitatatwa na 72-anyos na ang Presidente.

Hindi makakabuting mag-speculate ang publiko sa kalusugan ng Presidente at huwag maniwala sa mga tsismis at fake news sa social media.

Hayaan natin na makapagpahinga ang Presidente dahil mas makakabuti ito sa kanyang pamumuno.

Dapat namang maghinay-hinay ang Presidente sa kanyang trabaho at limitahan ang kanyang mga aktibidad na nakaakma sa kanyang edad.

Mismong ang mga opisyal ng Malacañang ang dapat na mag-obliga sa Presidente ng limi­tadong engagement upang makaiwas sa anumang pagkakasakit.

Sa gitna ng nasabing usapin, makabubuting manahimik na lang muna ang publiko kasabay na ipagdasal ang Presidente na bigyan nang malakas na kalusugan upang mapamunuan nang maayos ang bansa at malutas ang mga pangunahing problema ng mamamayan.

Lahat naman tayo ay nagnanais na magtagumpay ang Presidente dahil makikinabang dito ang buong bansa.

Abangan na lamang ang Presidente makalipas ang ilang araw na pamamahinga na ayon sa Malacañang ay ito lang ang paaan upang muling manumbalik ang napagod na panga-ngatawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with