Ebidensiya
ISANG Pinoy ang nagtrabaho sa isang bansang komunista. Natuklasan niyang kailangang lagi kang may ebidensiya tuwing bibili ka ng isang bagay sa supermarket. Kagaya noong minsang bumili siya ng dog food.
“Kailangang may ebidensiya ka na may alaga kang aso bago ka payagan na bumili ng dog food.”
Ang Pinoy ay bumalik sa tinitirhan nitong bahay, binitbit ang asong alaga at ipinakita ito sa cashier.
Pagkaraan ng ilang buwan, bumili naman ng cat food ang Pinoy pero nakalimutan niyang dalhin si Muning kaya wala siyang nabili. Asar na asar ang Pinoy. One hour drive pa naman ang distansiya ng bahay niya sa kaisa-isang supermarket na iyon.
Sa tinagal-tagal ng panahong pagtira niya sa bansang iyon, natutuhan na rin niya ang pagdadala ng ebidensiya bago mamili sa supermarket. May pagkakataong binibitbit niya nang sabay ang aso at pusa para lang makapamakyaw ng cat food at dog food.
Isang araw ay may bitbit siyang isang ebidensiya para pakyawin niya ang isang item. Inilagay niya ang ebidensiya sa isang box na may maliit na butas na kasya ang isang daliri. Paglapit niya sa cashier, inutusan niya ito na ilagay ang hintuturo nito sa butas.
“Ano iyan?” tanong ng cashier
“Ebidensiya ko para bentahan mo ako nito” sabay turo ng Pinoy sa mga pinamili niyang nasa cart.
Ipinasok ng cashier ang hintuturo sa butas. Malambot, mainit-init, mamasa-masa at medyo mabaho ang nasalat ng cashier sa loob ng box.
Inilagay ng Pinoy sa harapan ng cashier ang pinakyaw niyang dalawang dosenang rolyo ng toilet paper.
- Latest