^

Punto Mo

Police visibility paigtingin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung noon pagpasok pa lamang ng ‘‘ber months’’ inaasahan na ng ating kapulisan ang pagtaas ng kaso ng mga street crime ngayong ilang araw na lamang at papasok na nga ang buwan ng Disyembre kapansin-pansin talaga ang pagbaba ng bilang ng mga pag- atake ng mga kawatan.

Hindi maikakaila ang lubhang pagbaba ng insidente ng mga holdapan, snatching at iba pang kauri nito.

Ayon nga sa pulisya isa sa nakikitang dahilan? dito ay ang malawakang kampanya na isinagawa laban sa ilegal na droga.

Hindi nga ba’t inuugnay ang paglaganap ng krimen sa paglaganap ng illegal drugs.

Kadalasan ang nagsasagawa ng mga krimeng ganito ay sinasabing lulong o dawit sa paggamit ng droga.

Malaking porsiyento kumpara sa nagdaang taon ang ibinaba ng street crime at petty crimes.
Malaking bagay din ang marami nang nakakabit na mga CCTV sa mga lansangan kaya naman kung may nangyaring krimen madali na rin itong nalulutas dahil agad na nakikilala o namumukaan ang mga salarin.

Gayunman, hindi dapat na maging kampante ang pulisya at maging ang ating mga kababayan.

Dapat pa rin? ang matinding pag- iingat sa panig ng publiko.

Nakaabang at maghihintay lang marahil ng magandang pagkakataon ang mga elementong kriminal sa kanilang pagsalakay.

Naku lalo pa nga’t bigayan na ng mga bonus marapat lang na ingatan ang para sa atin at baka makulimbat pa ng mga kawatan.

Sa panig ng kapulisan, mas lalong dapat paigtingin ang police visibility at pagbabantay lalo na sa mga matataong lugar para maprotektahan ang publiko sa pagsalakay ng mga kawatan.

POLICE VISIBILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with