^

Punto Mo

NPD director Col. Roberto Fajardo, takot kay Baron alyas Triple One?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Dapat ikumpas ni CIDG director Chief Supt. Roel Obusan ang kamay na bakal n’ya bunga sa hindi pinapansin ni ret. SPO4 Domeng “Demonyo” Alagde ang kautusan n’ya na ‘wag makialam sa illegal gambling. Itong si Alagde kasi mga kosa ay naghahasik ng lagim sa Maynila at kinamumuhian na ‘sya ng mga players dun. Para sa kaalaman ni Obusan, ang kinokolekta ni Alagde ay ang mismong opisina n’ya, ang Special Task Force (STF), Special Operations Branch (SOB), at CIDG-NCR. Kapag hindi nakuha ni Alagde ang lingguhang tara na gusto n’ya, aba’y kaliwa’t kanang raid ang ginagawa n’ya at ang mga kaalyadong pulis-MPD na sina PO3 Yumang, SPO1 Villarante, SPO4 Roberto “Obet” Chua ng CIDG, PO3 Allan Mendoza, at SPO2 Larry Javier. Ayon kay Alagde, ang mga amo n’ya ay mismong sina Obusan at deputy nito na si Chief Supt. Eliseo “Ely” Rasco. Hehehe! Ayaw ni Gen. Obusan n’yan, di ba mga kosa? Kahit retired na itong si Alagde eh mayroon pa s’yang sariling tropa kapag sugal-lupa ang pag-uusapan. Demonyo talaga itong si Alagde, no mga kosa? At bakit pumapayag itong si Chief Insp. Sy, ang hepe ng CIDG Manila, na dalhin ni Alagde sa opisina n’ya ang mga huli ng tropa n’ya? Dapat kalusin ni Gen. Obusan itong si Alagde para malinis ang pangalan n’ya sa illegal gambling sa Maynila.

* * *

Hindi pala untouchable ang video karera operations ni Buboy Go sa Malabon. Sinuyod kasi mga kosa ng mga tauhan ni NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde ang Bgy. Tañong sa Malabon at kinumpiska ang 10 video karera at limang fruit game machines. Ampaw lang pala ang pagyayabang ni Buboy Go na hindi natitinag ang mga makina n’ya, di ba mga kosa? Kung sabagay, halos isang dekada nang nag-ooperate itong video karera ni Buboy Go sa kaharian ni Malabon Mayor Len Oreta subalit wala akong makitang palatandaan na mahinto ito, di ba Mr. Baron alyas Triple One Sir? Kasi nga, kapag na-raid mo itong mga makina ni Buboy Go ang itinuturo ni alyas Noel, na tagapamahala n’ya, ay kausapin sila ni Baron alyas Triple One. Sosyo-laway kaya si Baron alyas Triple One dito sa video karera na negosyo ni Buboy Go? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Puede! Ayon kasi sa mga kosa ko, walang makapagbukas nang sugal-lupa sa Malabon na walang basbas ni Baron alyas Triple One. Napatunayan ‘yan ni alyas Aging, ang sakla-patay King ng Malabon. Get’s n’yo mga kosa? Punyeta! Nakopo na pala ni Baron alyas Triple One ang ilegal na negosyo sa Malabon ah. Tumpak!

Subalit mautak talaga itong si Buboy Go. Kasi nga mga kosa, nagulat ang mga tauhan ni Chief Insp. Carilto Narag Jr., ang hepe ng RPIOU ng NCRPO, dahil naka-semento ang mga makina ni Buboy Go. Sa ganitong sitwasyon kasi mga kosa, hindi mananakaw ng mga pulis o ‘yaong mga hao shiao na pulis, ang makina ni Buboy Go. At hindi lang ‘yan! Hindi din makumpiska ng mga operating unit tulad ng PNP ang makina n’ya. Maliban sa semento, ang makina ni Buboy Go ay may nakapalibot din na bakal para hindi malagare ang mga ito. Hehehe! Subalit kahit anong wais nitong si Buboy Go napaglalangan din s’ya ng mga tauhan ni Albayalde mga kosa? Itong taga-RPIOU pala ay may mga dala ding maso o martilyo kaya’t winasak nila ang mga makina ni Buboy Go at kinumpiska ang mga mother board nila para hindi na magamit ang mga ito. Ang mother board kasi mga kosa ang s’yang nagpapaandar ng mga video karera machines at kaya’t medyo may kamahalan ito di ba Mr. Baron alyas Triple One Sir? Kaya’t ang dinala lang ng mga tauhan ni Albayalde ay ang tig-isang video karera at fruit game machine bilang ebidensiya. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kahit na-raid na sila, tuloy din naman ang operation ng video karera ni Buboy Go sa Malabon sa ngayon. Kung napahirapan ni Albayalde itong video karera operations ni Buboy Go sa Malabon, bakit tahimik dito si NPD director Sr. Supt. Roberto Fajardo? Takot kaya si Fajardo kay Baron alyas Triple One? Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with