^

Punto Mo

Alak ang sanhi ng sakit at aksidente

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

AYON sa World Health Organization, ang sobrang pag-inom ng alak ay nagdudulot ng 4% ng pagkamatay sa buong mundo. Mas malaki pa ang pinsala ng alak kumpara sa AIDS o tuberculosis.

Bagamat may pag-aaral na nagsasabi na may posibleng benepisyo ang pag-inom ng kaunting red wine, ngunit mas malaki ang ebidensya na kapag nasobrahan ang pag-inom ng alak ay magdudulot ito ng sakit sa puso, utak, atay o kanser.

Bukod dito, ang alak ang pinagsisimulan ng pag-aaway, problema sa pamilya at aksidente. Base sa datos, ang aksidente dulot ng pagkalasing ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga lalaki edad 15 hanggang 59. Sa Pilipinas, ang aksidente sa lansangan ang pang-apat na sanhi ng pagkamatay.

Masamang epekto sa kalusugan:

1. Sakit sa atay – Ang atay ang namamahala sa pag-metabolize o pagpapa-walang bisa ng alak sa katawan. Inilalabas ito ng katawan sa ihi at dumi. Ngunit kapag sosobra ang ininom na alak ay mahihirapan ang atay na “tunawin” ang alak. Sa katagalan ay mamamaga ang atay (alcoholic hepatitis) at maninigas ito (liver cirrhosis). Mahirap gamutin ang liver cirrhosis.

2. Sakit sa puso – Kapag napadami ang iyong nainom, posibleng magloko ang tibok ng puso at magdulot ito ng atake sa puso.

3. Sinisira ang selula ng utak – Kapag matagal ka nang umiinom ng alak, puwedeng mabawasan ang iyong brain cells. Ang tawag dito ay senile dementia at nagiging ulyanin ang isang lasenggo.

4. Puwedeng magka-kanser – May pag-aaral na nagpapakita na ang alak ay posibleng magdulot ng kanser sa bibig, lalamunan, suso, atay at bituka.

5.  Sakit sa tiyan – Dahil dumaraan ang alak sa ating sikmura, puwedeng magdulot ito ng pamamaga ng tiyan (gastritis) at lapay (pancreatitis).

6. Kapansanan sa magiging sanggol – Bawal sa buntis ang uminom ng alak dahil baka maapektuhan ang paglaki ng bata sa sinapupunan.

7.  May iba pang posibleng masamang epekto ang alak tulad ng pagkasira ng sex life ng kalalakihan, pagkakaroon ng mababang asukal sa dugo, pagiging mataba at pagkarupok ng buto o osteoporosis.

Payo sa ating gobyerno: May paraan para mabawasan ang pag-inom ng alak ng mga Pilipino. Heto ang puwedeng gawin: (1) itaas ang buwis sa alak, (2) ipagbawal ang pagbenta ng alak sa kabataan, (3) ipasuri ang lebel ng alcohol sa dugo ng mga drayber, at (4) ipagbawal ang mga advertisement ng alak.

Para sa lahat: Pilitin nating iwasan ang pag-inom ng alak. Wala pong magandang patutunguhan iyan. Ibaling na lang ang panahon para sa ating pamilya.

ACIRC

ALAK

ALIGN

ANG

KAPAG

LEFT

PAG

QUOT

SA PILIPINAS

SAKIT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with