^

Punto Mo

Babae na tumatakbo ng 42 km araw-araw sa loob ng 1-taon, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Si Hilde Dosogne, 55, mula Belgium, ang nagtakda ng bagong world record matapos tumakbo ng 366 full marathons sa loob ng isang taon. Araw-araw, tumakbo si Dosogne ng 42.195 kilometers, anuman ang lagay ng panahon, upang makumpleto ang monumental na hamon.

Maikukumpara ang 42 kilometers na kanyang tinatakbo sa distansiya mula Cubao, Quezon City patungong Sta. Rosa, Laguna.

Sa kabila ng physical and mental challenges, kabilang na ang fatigue, joint inflammation, at ilang beses na pagkadapa, nagpatuloy si Dosogne.

Minsan pa ay tumakbo siya ng 69 kilometers sa isang araw matapos bumisita sa ospital para ipasuri ang na-injured na daliri.

Sa kabuuan, tinakbo niya ang mahigit 15,000 kilometro noong 2024, na halos lahat ay naganap sa Watersportbaan, isang rowing complex sa Ghent, Belgium.

Hindi lamang ito personal na tagumpay. Nakalikom din si Dosogne ng mahigit €65,000 para sa BIG Against Breast Cancer, isang organisasyong tumutulong sa mga kababaihang may kanser.

Ayon kay Dosogne, ang tunay na hamon ay nasa mentalidad, dahil kinakailangan niyang magpakita araw-araw, kahit pa mahirap ang kondisyon.

“Ang kuwento kong ito ay hindi tungkol sa healthy lifestyle, kundi sa determinasyon at tibay ng loob,” aniya.

KILOMETERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with