5 Natutuhan ko sa Buhay
1—Hindi dapat ma-guilty kung magdedesisyon kang layuan ang toxic people sa iyong buhay. Ito ang mga taong walang ginawa kundi maliitin ang iyong pagkatao o kaya ay laging nagdudulot sa iyo ng sama ng loob. Maaaring ang toxic people ay iyong kamag-anak, karelasyon, childhood friend, bagong kakilala o employer mo.
2—Hindi pala dapat personalin ang pang-iinsulto sa akin ng ibang tao. Kung tutuusin ay dapat ko pa itong pakinggan at himaying mabuti. Ayon sa “Law of Reflection”, na nagmula sa Law of Karma, ang kapintasan na ibinabato sa akin ng aking kaaway ay actually, kapintasan ng kanyang sarili. Kaya iwasang mamintas ng kapwa, para mo na rin ipinagsigawan ang sarili mong kapintasan.
3—Malaki ang pagkakaiba ng paaralan at tunay na buhay. Sa paaralan, nag-aaral muna tayo ng leksiyon at saka bibigyan ng pagsubok (test). Sa tunay na buhay, mauuna dumating ang pagsubok, saka magkakaroon ng leksiyon mula sa pagsubok na naranasan.
4—Ang buhay ko ay parang math. Mas mainam kung ang “addition” ay iaplay sa suweldo; ang “subtraction” ay para sa weight; ang “division” ay oras sa pamilya at career pero huwag na huwag iaaplay ang “multiplication” sa bilang ng anak.
5—Ang pinakadakilang magagawa ng isang ina ay ma-ging mabait at maunawain sa kanyang mga anak. Ang resulta ng ganitong attitude ay mababait at maalalahanin din ang mga anak.
- Latest