^

Punto Mo

Operasyon vs illegal drugs, huwag tigilan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kamakalawa sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs (QCPD- DAID) ang isang apartelle sa Cubao malapit sa isang terminal ng bus sa Brgy. Socorro sa lungsod.

Labing-isa katao ang naaresto dito na naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga.

Eto pa ang nakakaalarma, komo nga raw malapit sa isang bus terminal, aba’y karamihan pala sa parokyano dito eh mga driver at konduktor. Kaya nga raw ayon sa nagsumbong labis itong nakakabahala dahil nakasalalay dito ang kaligtasan ng mga pasahero .

Nag-ugat ang raid makaraang makatanggap ng sumbong ang mga awtoridad tungkol sa mga transaksyon ng ilegal na droga sa lugar kaya nga dalawang linggo itong minanmanan bago nga nakumpirma ang operasyon kung saan isinagawa ang pagsalakay.

Ayun nga, nang pasukin ang lugar, naaktuhan pa ang mga nadakip na gumagamit ng shabu.

Dapat talaga na maging mahigpit ang pagmomonitor sa mga ganitong lugar na pinaglulunggaan ng mga transaksyon sa ilegal na droga. Kung saan-saang lugar na lang nagsusulputan ang mga ito.

Kabi-kabila ang operasyon hindi lamang ng pulisya kundi maging ng NBI at iba pang ahensya laban sa ilegal na droga, pero talagang masasabing laganap ang operasyon ng mga ito.

Kamakailan din lang nagsagawa ng serye ng operasyon ang NBI sa  Pasay, Las Pinas at Muntinlupa  kung saan dalawang kawani ng BuCor at dalawang sibilyan ang natumbog . Ilang kilo ng shabu ang nasamsam sa mga isinagawang operasyon.

Sa ngayon patluy pa ang  follow-up operation ng NBI patungkol dito, lulu na’t nakuha sa isa sa nadakip nag mga contact number , pangolin at lugar kung saan niya ibinabagsak ang nasamsam na kilo-kilo ng shabu.

Sa puntong ito, kailangan ang matalim at malalim na pagmamatyag lalu na sa lebel ng barangay na siyang unang maaaring makamonitor sa mga kilos at galaw sa kanilang nasasakupan.

vuukle comment

ANG

AYUN

BRGY

CUBAO

DAPAT

ETO

ILANG

KABI

KAMAKAILAN

LAS PINAS

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with