^

Punto Mo

8 leksiyong natutuhan ko sa aking mga kapitbahay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1—Ang mga babaing mahilig tumambay sa labas ng kanilang bahay ay tsismosa at inggitera.

2—Huwag mong pauutangin ang kapitbahay na kakatok sa iyong bahay para lang mangutang. Mas malaki ang tsansa na siya ay makapal ang mukha at balasubas. Kung manipis ang kanyang mukha, hindi niya makakayang mangatok ng pintuan ng kapitbahay para lang mangutang.

3—Huwag mong bibilhan ng paninda ang kapitbahay na nambabati lang kapag may ibebenta sa iyo.

4—Huwag mong ikukuwento kung ano ang sakit mo. Mangkukulam is everywhere. Kapag nainggit at nagalit ang mga ‘yan, ang tinatarget nila sa biktima ay ‘yung bahagi ng katawan na may sakit. Para kapag namatay ang kanilang biktima, iisipin kaagad ng kamag-anak ay sakit ang ikinamatay. Sounds crazy pero mabuti na ang nag-iingat. At saka bakit mo naman ikukuwento sa kapitbahay ang iyong sakit, sila ba ang doktor mo?

5—Huwag makikipag-away sa mga tsismosa at inggitera. Wala silang iniingatang dignidad. Kung sobra na ang pagyurak sa iyong reputasyon, idemanda mo. Matatakot ang mga iyan. Kasi kadalasan, ang mga tsismosa ay jobless kaya walang pambayad sa abogado.

6—Kung kinakaibigan ka ng tsismosa,  tanggapin ang iniaalok na friendship pero lagyan ng boundary ang pakiki-pagkaibigan.

7—Kung mahilig manghiram ng gamit, pagbigyan mo ng isang beses pero magdahilan ka na sa susunod. Kapag nawili ang mga iyan, may pagkakataong hindi na isasauli ang hiniram. O, kaya, nagsasauli pero dadalasan ang panghihiram hanggang sa sila na ang makakasira ng gamit.

8—Magtiwala pa rin na may tunay na mababait  at edukadong kapitbahay. Pero sila rin ‘yung bihirang makipagkuwentuhan dahil abala sa paghahanapbuhay.

ACIRC

ANG

HUWAG

KAPAG

KASI

MAGTIWALA

MANGKUKULAM

MATATAKOT

MGA

PERO

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with