^

Punto Mo

Vending machine sa Amerika, kotse ang iniluluwa

- Arnel Medina - Pang-masa

NGAYON ay hindi na lamang mga candy at tsitsirya ang mabibili mula sa isang vending machine dahil isang kompanya sa Tennessee , USA ang nagtayo ng isang higanteng vending machine na sasakyan ang iniluluwa.

Kasinlaki ng isang 5-storey building ang vending machine na itinayo ng kompanyang Carvana at nasa 20 kotse ang kayang gumarahe sa loob nito.

Gumagana ang vending machine ng Carvana sa pamamagitan ng isang espesyal na “barya” na inihuhulog ng mamimili sa coin slot. Pagkahulog ng barya ay saka iluluwa ng higanteng vending machine ang kotseng napili ng customer.

Nakakapili ng modelo ng kotse ang mga bumibili sa Carvana sa pamamagitan ng kanilang website na idenedetalye ang itsura at kondisyon  ng mga sasakyan na kanilang mga ibinebenta, na pawang mga second-hand. Wala namang kailangang ikatakot ang mga customer dahil nakalahad sa kanilang website ang lahat ng detalye ukol sa kanilang sasakyang bibilhin.

Ayon sa kompanya, malaki ang kanilang natitipid dahil sa mala-vending machine na sistema na kanilang ipinatupad. Naipapasa rin nila ang kanilang natitipid mula sa hindi pagpapasuweldo ng mga salesman sa mga mamimili kaya naman nakakamura ng humigit-kumulang $2000 o katumbas ng halos P100,000 ang kanilang mga customers sa presyo ng sasak­yang kanilang bibilhin.

Plano ng Carvana na magtayo ng ilan pang mga vending machine para sa kotse dahil naniniwala silang ang pagiging simple ng kanilang paraan ng pagbebenta ng kotse ang magiging bentahe ng kanilang kompanya kumpara sa ibang dealers ng mga second-hand na sasakyan.

ACIRC

ANG

AYON

CARVANA

GUMAGANA

KANILANG

KASINLAKI

MACHINE

MGA

NAIPAPASA

VENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with