Russian martial arts school itinuturo kung paano magagamit ang selfie stick para sa self-defense
USUNG-USO ngayon ang paggamit ng selfie-stick para makunan ng larawan ang sarili o ang grupo.
Kaya naman naisipan ng isang martial arts school sa Moscow na ituro ang paggamit ng selfie-stick bilang weapon at maidepensa ang sarili sa panahon ng panganib. Marami na umanong nangyayaring krimen ngayon kaya kailangang matuto ang lahat lalo ang kababaihan.
“Maraming turista ngayon ang nabibiktima ng mga masasamang loob,” sabi ng tagapagsalita ng M-PROFI sports center. “At ang karaniwang dala ng turista ay ang kanilang selfie-stick. Ito ang dapat nilang gamiting sandata para sa magtatangka sa kanila.”
Ituturo umano nila ang pamamaraan kung paano gamitin sa mga masasamang loob ang selfie-stick. Bukod sa pagsi-selfie, magagamit na rin nilang mahusay na weapon ang selfie-stick. Kayang-kaya nilang depensahan ang sarili.
Kakaibang klase ng pagtakbo gamit ang kamay at paa nauuso sa Australia
KUNG nagsasawa na kayo sa pagtakbo, o sa palagay ninyo ay hindi na kayo nasisiyahan sa nakaugaliang pagtakbo gamit lamang ang dalawang paa, maaaring subukan ninyo ang nauusong fitness craze sa Australia na ang kamay at paa ay gamit sa pagtakbo.
Parang style na gumagapang o kahalintulad na pagtakbo ng mga tsonggo kung saan apat ang gumaganang bahagi ng katawan. Sa paraang ito, mabilis ang pagkilos sapagkat apat ang ginagamit sa pagtakbo.
Ang kakaibang pagtakbo ay ipinakilala ng Australian fitness enthusiast na si Shaun McCarthy. Walang masabing dahilan si McCarthy kung paano niya naisipan ang bizarre workout. Apektado sa sports na ito ang thigh dahil sa matagalang pagyuko habang tumatakbo o gumagapang. Pero sinisiguro ni McCarthy ang kakaibang resulta sa katawan.
- Latest