^

Punto Mo

‘Dear Grace, from Raymond’

- Tony Calvento - Pang-masa

ISANG ‘open letter’ ng kontrobersyal na abogadong si Atty. Raymond Fortun tungkol sa residency ni Sen. Grace Poe ang kumalat sa internet.

KATAPATAN ang inaasahan ni Atty. Raymond Fortun mula kay Sen. Grace at mga tagasuporta para mas maging mabuti siyang tagapag lingkod bayan.

Ayon sa kanya, personal na gusto niya si Sen. Grace at habang binabatikos siya ng mga naninira sa kanya ay lalo niyang kinaiinisan ang mga ito.

Subalit nilinaw niya ang kanyang posisyon sa usaping ‘residency’ ng senadora.

Ayon kay Fortun. Nanumpa si Sen. Grace noong ika-13 ng Mayo 2013 na siya’y naging residente ng Pilipinas sa loob ng anim na taon at anim na buwan.

“I as a lawyer will hold you to that oath. You knew or ought to have known the implications of that declaration,” ayon kay Atty. Fortun.

Ang kanyang deklarasyon sa naging panunumpa ay nagpadungis sa kanyang tingin kay Sen. Poe dahil ang inaasahan niya mula dito ay ang pagiging matapat.

Mariing tanong ni Atty. Fortun, iba na ba ang tono ng sinasabi ngayon ni Sen. Grace na pwedeng maging dahilan para kainisan nila ito?

“Please don’t get drunk with a lust for power. Please do not listen to those who say that you are popular because they have their own agendas,” wika ni Atty. Fortun.

Sinuportahan ni Fortun ang ilang punto ng United Nationalist Alliance  (UNA) sa ‘lack of residency’ nitong si Sen. Grace at pwedeng maging basehan para madiskwalipika siya sa pagtakbo bilang Presidente sa eleksyon 2016.

Sampung taon ang kailangan niyang gugulin sa paninirahan sa bansa bago siya mamuno dito. Una ay para malaman ng kandidato kung ano ang problema ng bansa at mahalin ito para manguna sa mga pagbabago.

Magpakita ng pagmamahal sa piniling bansa kung talagang totoo ang sinumpaan niya kung ilang taon na siyang nanirahan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-amin sa puntong yun at pagsunod sa mga batas ng bansa.

Kung hindi nya ito magagawa ay hindi nila aasahan na susunod ito sa mga batas kung siya’y magiging Presidente.

Hanggang ngayon isyu pa talaga kung karapat-dapat nga bang tumakbo si Grace Poe bilang Presidente ng bansa. Maraming bumatikos at naghain ng ‘disqualification case’ laban sa kanya.

Naglabas na ng desisyon ang Senate Electronal Tribunal (SET) na sapat sa taong inilagi ni Sen. Grace. Bagama’t hindi pa ito pinal may posibilidad na mapayagan siyang tumakbo sa susunod na eleksyon.

Ang mga bumoto daw na Senador ay hindi ginawang basehan ang batas ng bansa kundi sa pulitika.

Ang ‘petitioner’ na naghain ng ‘disqualification case’ ay balak na isampa itong kaso sa Korte Suprema.

Ang mga bumotong pabor kay Sen. Grace ay sina Sen. Tito Sotto, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Loren Legarda at Bam Aquino (Oo ay pamangkin ni P’noy).

Ang di sumang ayon ay sina Justice Antonio Carpio, Justice Arturo Brion, Justice Teresita Leonardo de Castro at si Nancy Binay.

Ang hinihintay ko ay ang liham ‘Dear Raymond… from  Grace’.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ALIGN

ANG

FORTUN

GRACE

GRACE POE

LEFT

MGA

QUOT

SEN

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with