^

Punto Mo

Kampanya na ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malayu-layo pa ang campaign period  para sa  2016 elections, eto’t nagsisimula nang kumalat ang ilang maitutu­ring na campaign materials ng mga magsisitakbo.

Yung iba medyo disimulado, hindi gaano halata, pero eto may iba, na talaga namang hayagan na ang pangangampanya, marami na ang epal.

Meron pa nga, aba’y nakadelentara na ang mga mukha, kung hindi man ang mukha, may mga nagkalat ng mga maituturing na campaign material sa kung saan- saang barangay.

Lalu na nga’t ang mga opisyal sa mga barangay ay kanilang ka-partido, ay naku, walang labag-labag, kapalan na lang ngayon pa lang may mga campaign materials na ang mga iyan.

Dumaan ang Undas, o di ba’t maging sa mga sementeryo makikita ang mga mukha ng ilang kandidato, oo nga’t hindi nakalagay sa mga banner o streamer nila na ang salitang ‘iboto’ , iisa ang layon ng mga ito, ang umepal at magparamdan  ngayon pa lang.

Meron naman wala nga ang kanilang mga mukha, pangalan na ng kanilang mga ka-tandem ang nakabandera sa mga lansangan.

Kaya nga yung ibang kandidato na kulang sa pondo, talong-talo, kasi nga hindi sila nakakapagsimula ng maaga, kailangan totodo lang sila pagmalapit na ang eleksyon, pero ang mga may pera, siyempre ngayon pa lang paramdam na kasi mahaba ang pisi kung minsan nga lampas na sa itinakdang  gastos ng mga kandidato.

Premature campaigning!  Ano kaya ang say dito ng Comelec?

ACIRC

ANG

ANO

COMELEC

DUMAAN

KAYA

LALU

MERON

MGA

NGA

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with