^

Punto Mo

Sir Juan (19)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PARA pong suplada si Mahinhin, Sir Juan. Nakita ko siya sa laundry room pero walang imik habang may ginagawa sa washing machine,’’ sabi ni Nectar.

“Mabait si Mahinhin, Nectar. Wala lang siyang imik.’’

‘‘Tipong supladita Sir Juan.’’

‘‘Hindi. Kapag nakausap mo siya, magkakasundo kayo.’’

“Ay naku Sir Juan, wala akong tiyaga sa hindi marunong ngumiti.’’

“Gusto mo pagkilanlin ko kayo. Ipakikilala kita.’

“What for?’’

“Para masaya kayo rito. Di ba kapag magkakilala ay mas maganda. Ano ipakilala kita sa kanya?’’

“Huwag na!’’

‘‘Okey.’’

“Nag-iisa ba siya sa kuwarto, Sir Juan?’’

“Oo.’’

“Bakit?’’

Ipinaliwanag ni Juan ang nangyari.

“Suwerte naman niya. Sana pala nagmakaawa ako sa’yo para ako ang nakapuwesto roon.’’

‘‘Pansamantala lang si Mahinhin sa room na iyon. Kapag nagkaroon ng bakante sa room n’yo dun ko siya ilalagay.’’

‘‘Sir Juan naman, parang nananadya. Huwag na sa aming kuwarto, please.’’

“Okey sige. Pero kapag wala na talagang paraan, ilipat ko sa inyong room.’’

Umasim ang mukha ni Nectar. Talagang tutol siya kay Mahinhin. At mayroon siyang na­iisip kay Mahinhin. May balak siya.

(Itutuloy)

ACIRC

ANO

BAKIT

HUWAG

IPAKIKILALA

IPINALIWANAG

ITUTULOY

JUAN

KAPAG

MAHINHIN

SIR JUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with