^

Punto Mo

‘Tiwalang kaibigan at ahensya’

- Tony Calvento - Pang-masa

MARAMI ng matalik  na magkakaibigan ang nasayang at nag-iba ng landas dahil nawalan ng tiwala na ang ugat ay pera lamang.

“Matagal siyang pinagkatiwalaan ng mister ko kaya naman magaan na din ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam na ang inipit-ipit namin sa aming mga kamay ay tuluyang ng liliparin,” ayon kay Jessebel.

Binata pa lang ang mister ni Jessebel Cabillan ay magkaibigan na sila ng nakilala niya sa pangalang ‘Remy’. Para hindi na nila magastos ang halagang limang libong piso pansamantala nila itong pinatago kay Remy na malapit lang naman ang bahay sa kanila.

Tiwala na sila dito sapagkat dito din ipinapatabi ng kanyang mister ang pera nito nung binata pa.

“Sabi niya kapag kailangan na namin ibibigay niya,” pahayag ni Jessebel.

Dumating ang araw na kailangan na nila ng pera. Nagpunta sila kay Remy upang kunin amg ipinatabing pera. Ibabalik naman daw niya ito ngunit humingi ito ng ilang araw para mabuo ito.

“Napautang niya daw kasi sa iba. Ilang buwan na ang nagdaan wala pa din siyang iniaabot na pera sa ‘min,” sabi ni Jessebel.

Hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanila na gagamitin nito ang pera. Habang kinukuha nila ang limang libo nagiging masalimuot ang kanilang pakikipag-usap kay Remy. Sila na ang pinasisingil sa nagkautang dito para daw maibalik ang perang kinukuha nila. Tiwala lamang daw ang pinanghahawakan nila kay Remy. Hindi sila gumawa ng kahit na anong kasulatan bilang katunayan na nagpatago nga sila ng pera dito.

“Isa din sa naging dahilan kung bakit ako pumayag sa kagustuhan ng asawa ko dahil sabi niya mapera daw itong si Remy. Hindi ako nag-isip na mawawala ang pera namin,” pahayag ni Jessebel.

Ang ipinagtataka ni Jessebel bakit kailangang sila ang maningil sa nangutang kay Remy.

“Tama ba na ganun ang gawin niya sa ‘min? Kapag kinakausap namin siya parang siya pa ang galit at bahala na daw kaming kumuha ng pera,” ayon kay Jessebel.

Kung usapang pera at tiwala ang naging problema ni Jessebel, seguridad naman sa panganganak ang hinihingi ni Melissa Cañete.

Kasalukuyang walong buwang buntis si Melissa sa kanyang pangatlong anak. Nitong Marso 2015 nag-file siya ng ‘maternity benefit’ sa Social Security System (SSS).

“Taong 1996 pa lang miyembro na ako ng SSS. Dati akong cashier sa isang kantina at nakakapaghulog naman ako buwan-buwan,” kwento ni Melissa.

Ayon daw sa nakausap niya sa SSS Bacoor dalawang buwan daw ang pinakamatagal na pagpoproseso ng kanyang benepisyo.

Matiyagang naghintay si Melissa ngunit limang buwan na ang nakakalipas wala pa ding balita sa kanyang benepisyo.

“May stub na ako pero wala pa silang ibinibigay na kahit na ano. Ang naka-file na yun ay para pa sa pangalawa kong anak na isinilang noong 2013,” sabi ni Melissa.

Ang kanyang tiyahin ang umasikaso sa maternity benefits niya nang manganak siya sa panganay. Sandali lang daw ang paagpoproseso nito ngunit limang libong piso lang ang kanyang nakuha.

“Maselan ang pag bubuntis ko kaya talagang kailangan namin ang tulong ng SSS. Caesarian Section ako sa una at pangalawa kaya malaki talaga ang kailangan naming pag-ipunan,” ayon kay Melissa.

Nang hindi na siya pwedeng iwanan sa bahay ng mag-isa, tumigil pansamantala ang kanyang mister sa pagtatrabaho. Tinutulungan na lamang sila ng kani-kanilang pamilya para sa pang araw-araw na gastusin.

“Maliit na problema ito para sa ibang tao pero para sa ‘kin napakalaking tulong nito dahil sa kalagayan ko. Sana matulungan niyo akong makuha ang benepisyo ko sa SSS,” pahayag ni Melissa.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, para kay Jessebel ang perang kanyang pinatago na hindi na maibalik sa kanya maaari niya itong dalhin sa barangay upang maipatawag ang  kabilang panig at mapag-usapan ang isyung ito.

Kapag hindi sila nagkasundo magbigay siya ng ‘demand letter’. Kung sakaling hindi pa din ibigay, hawak ang Certificate to File Action dumiretso na siya sa ‘Small Claims Court’ para magsampa ng kasong sibil.

Ang tungkol naman sa problema ni Melissa, makikipag-ugnayan kami sa SSS Main Office kay Ms. Lilibeth Suralvo upang alamin kung ano ang naging problema sa kinukuha mong benepisyo.

Aalamin din namin kung may kailangan ka pang ipasang dokumento dito para maproseso ng mas mabilis ang iyong ‘maternity benefits’.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

ACIRC

ANG

DAW

HINDI

JESSEBEL

KAY

NIYA

PARA

PERA

REMY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with