^

Punto Mo

Ang Akusado at ang Apat na Huwes

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG kriminal ang namatay at ngayon ay nakatayo ang kaluluwa niya sa gitna ng Korte ng Langit kung saan ang mga gumaganap na huwes ay sina Abraham at David ng Lumang Tipan at Pedro at Lucas ng Bagong Tipan.

Isang anghel na tumatayong sekretarya ng korte ang nagbasa ng hatol sa kaluluwa ng kriminal: Guilty ang hatol kaya wala kang karapatang papasukin sa langit.

Nag-apela ang kaluluwang hinatulan at nakiusap kay Abraham na patawarin siya. Ngunit tumanggi si Abraham.

“Mang Abraham, di ba’t nagsinungaling ka sa hari ng Egypt sa pagsasabing kapatid mo ang iyong asawa upang iligtas mo lang ang iyong sarili sa tiyak na kamatayan pero pinatawad ka pa rin ng Diyos. Sana ay patawarin mo rin ako.”

Pagkatapos ay kay David lumapit ang kaluluwa ngunit kagaya ni Abraham ay tumanggi rin itong magbigay ng pardon.

“Bakit po ayaw mo akong patawarin, Mang David? Di ba’t pinatay mo si Uriah para masolo mo ang kanyang asawa pero pinatawad ka pa rin ng Diyos. Sana ay patawarin mo rin ako.”

Tumanggi rin si Pedro na magpatawad kaya ito ang sinabi ng kaluluwa: “Di ba at kaibigan mo si Hesus ngunit nang huhulihin na siya ng mga sundalo ay itinanggi mo na kakilala mo Siya dahil ayaw mong madamay, pero pinatawad ka pa rin ng Diyos.”

At ang huling pag-asa ng kaluluwa: si Lucas. Ang sabi ng kaluluwa, “Ikaw ang nagsusulat ng mga Gospel. Di ba’t halos lahat ng iyong isinusulat ay tungkol sa pagpapatawad ng Diyos sa mga nagkasala sa kanya? Sana ay ibilang mo ako sa mga nagkasala at pinatawad ng Diyos sa bandang huli. Sige na, patawarin mo na ako at papasukin na ninyo ako sa langit.”

Napahiya ang apat na Huwes kaya nagpulong silang muli. Maya-maya ay inakay ni Lucas ang kaluluwa ng kriminal at saka binuksan ang pinto nang langit. “Pumasok ka na, kanina ka pa hinihintay ng ating Panginoong Diyos.”

BAGONG TIPAN

DIYOS

KALULUWA

LUCAS

LUMANG TIPAN

MANG ABRAHAM

MANG DAVID

PANGINOONG DIYOS

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with