^

Punto Mo

Magarbong kulungan, sumingaw

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Umiinit ang panawagan sa top-to-bottom revamp sa National Bilibid Prison (NBP) matapos na malantad ang ma­garbong mga kulungan ng mga high profile inmates.

Aba’y mistulang naka-check in pala sa dekalibreng hotel ang mga bigating bilanggo na ito. Na kahit na nakapiit ay napakaginhawa ng buhay ng mga ito sa loob.

Kumpleto at mga high tech sa gamit, aircon, meron pang may opisina, carpeted at talagang kumportableng-komportable ang mga ‘bossing’ na ito. Ma­lamang may nagsisilbi pa sa mga ito na kapwa nila preso.

May Jacuzzi ang isa sa mga ito, ang isa may second floor pa, may sound system at iba pang mararangyang gamit.

Nakapagtataka ang milyong cash na nasamsam sa iba’t ibang bilanggo, mga mamahaling alahas na nakaimbak sa loob.

Nakakadudang saan naman nila ito gagamitin?

Sa itsura ng mga gamit, eh mukhang matagal na itong nailagay, ang tanong nga eh, paano naman ito naipasok sa loob kung walang pahintulot sa mga nakakataas.

Ang tanong nga ng marami, kung ililipat ang may 19 high profile criminals, ano na raw ang mangyayari sa mga mala-hotel nilang kulungan?

Baka naman iba lang ang papalit sa mga lugar ng mga ito, at patuloy pa rin ang magarbo bilang kulungan.

Kaya ang nais ng ilang mambabatas, simulan sa taas ang isinagawang balasahan at hindi ang mga nasa ibaba lang ang magagalaw.

Sana nga ay hindi ningas-kugon lang ito at may mangyari nga sanang malaking pagbabago.

KAYA

KUMPLETO

MAY JACUZZI

NAKAKADUDANG

NAKAPAGTATAKA

NATIONAL BILIBID PRISON

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with