^

Punto Mo

‘Napaso sa tanso’

- Tony Calvento - Pang-masa

SA kagustuhang maisalba ang sarili hindi mo naman namamalayan na inilulubog mo ang iyong kasamahan.

“Sabihin ko na daw na kami ang kumuha ni Noe para si Noe ang madiin. Kung hindi sisibakin nila ako,” ayon kay ‘Frix’. Ayaw masangkot ni Frixcyl Balandra, 21 taong gulang at ang tanging gusto niya ang malinis ang kanyang pangalan kaya napapayag umano siyang inguso si Noe Dumaraog,  34 anyos. “Akala ko ayos na pero kinulong nila ako sa kwarto, ilang sandali inilabas nila ako sa gate at isinakay na lang sa mobile ng pulis,” ani Frix. Nagsadya sa’min ang dalawang trabahador ng Gloscore Philippines Construction Inc. sa Pasay—supplier/contractor ng waterproofing.  Si Noe, tatlong taon ng drayber sa kumpanya at si Frix, pitong buwan pa lamang helper. Tubong Trece Martires, Cavite si Noe. Mula ng nakapagtapos ng hayskul nagtrabaho na bilang sekyu si Noe. Tatlong ahensya na ang napasukan niya. “Nagtatagal ako sa mga pinapasukan ko yung nga lang nagkakaroon ako ng problema sa pagpapaliwanag ko sa nakatataas sa’kin,” ani Noe. Aminado si Noe na kapag ayaw niya ng patakaran sa isang kumpanya madalas siyang umalma. Matapos ang sampung taon na paggagwardiya ni Noe nagpunta siya sa probinsya, sa Ilo-Ilo at nag-alaga ng isda at baboy. Hindi ganun kalaki ang kanyang kita kaya’t sa Bicol naman siya nagsaka sa bayan ng kanyang misis. Taong 2012, bumalik siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Dito na siya nakapasok sa Gloscore Philippines Construction Inc. bilang isang drayber. Ang kanyang ruta Manila-Fairview. Lunes hanggang Sabado ang pasok nila. Mula sa P2,220 na  sahod kada Linggo naging P3,000 na ito.  Maayos daw ang pagtatrabaho ni Noe sa warehouse hanggang bumalik daw ang dating nasa Franchising department na si Raul Lumapas nung taong 2013. Nagsimula daw silang magsagutan nitong si Raul dahil daw sa logbook at biometrics. “Ang gusto niya nagba-biometrics na nga magla-log in pa kami. Sabi ko sa kanya, Sir ayoko na mag-log sa logbook. Biometrics na lang kung biometrics,” ani Noe. Kwento niya, kinabukasan agad daw siyang binabaan ng memo ni Raul. Hindi na binasa ni Noe ang memo at nagmatigas kay Raul, “’Di na kailangan sir. Hindi na ako papasok bukas aalis na ako,” aniya. Tumawag ang taga-HR na si Jeff Tamayo kay Noe at tinanong kung bakit hindi siya nagreport. Sinabi naman ni Noe na nagkasagutan sila ni Raul. Pinabalik siya sa opisina at sinabing mag-biometrics na lang siya kung yun ang problema. Bumalik si Noe sa warehouse. Mula nun nagkailangan na raw sila ni Raul at nagsimulang mag-iwasan. Malimit din daw itong magpa-deliver sa kanya. Puro sa isang kasamahan drayber niya ang utos. Ika-11 ng Nobyembre 2014, bandang 11:30AM habang nasa warehouse ang mga trabahador bigla na lang pumutok ang kableng kur­yente. Umapoy ito, mabuti na lang at naagapan at hindi  ito natuloy  sa sunog. Pinutol ng kanilang electrician ang 15 metro ng kableng natusta na raw ng apoy. Kinabukasan, hinanap daw ang tinapon na kable sa basurahan subalit wala na ito dun. Nakita ang mga tira-tirang balat ng kable. Inisa-isa raw ang mga locker ng mga tauhan sa barracks.  Ala-una y’ medya kumatok sa barracks ang kanilang bisor at pinatawag si Noe para mag-deliver sa Maynila. Pagbalik niya sa warehouse, bandang 4:45PM, nalaman niyang nakita ang balat ng nasunog na kable sa kubeta sa garahe. Nakatusok sa butas… Tanggal na raw ang tanso nito. Pinatawag bawat trabahador sa opisina at kinausap daw nila Raul, Ceasar, Jeff at Bing. Una raw pinatawag si Noe, “Wag na tayong magpaliguy-ligoy, may nakakita sa’yong kinuha mo ang kable,” sabi umano ni Raul.  Tumanggi si Noe at sinabing hindi niya ipagpapalit ang maliit na halaga ng kable sa kanyang trabaho. Sumunod na pinatawag ang mga kasamahan kabilang na si Frix. Pilit daw siyang pina­amin at nagsabwatan sila ni Noe ayon kay Frix. “Sabi niya aminin ko na lang daw kahit hindi ko kasalanan para madiin si Noe. Kesa naman mawalan  daw ako ng trabaho,” ani Frix. Ayaw matanggal ni Frix sa warehouse kaya napilitan na lang umano siyang magsabi ng “Oo”. “Sige na po… si Noe po!”  Pinagawa raw siya ng sulat kung saan inaamin niya na ninakaw daw ni Noe ang nasabing kable at siya ang magiging testigo rito. Inakala niyang abswelto na siya subalit inilabas sa gate kung saan naghihintay na ang mga pulis. Ipinasok siya sa mobile. Sinundo nila si Noe na  nasa kabilang pinto sa warehouse at sinakay din. Diniretso sila sa presinto ng Pasay subalit dinala sila sa Barangay Vetara, Pasay. “Hindi naman tinanggap ang kaso na­min kaya binalik din kami sa presinto at ini-refer kami sa City Hall ng Pasay-PNP. Sa pag-iimbestiga raw ng pulis nalaman nilang ang may-ari ng kumpanya ay wala sa Pilipinas kaya’t sinabihan silang hindi sila pwedeng magsampa ng kasong ‘Qualified Theft’ laban sa dalawa.  Pinawalan din sila ng mga pulis. Kinabukasan, nagtanong si Noe kung makakabalik pa sila  subalit sabi ng taga-HR na hindi na raw. Hiniling nila na kahit ibigay man lang ang 6 na araw na pinasok ni Frix at tatlong araw ni Noe. Text naman daw sa kanila magpasa muna sila ng ‘resignation’. Dahilan para magpunta sila sa aming tanggapan. Itinampok namin ang sila sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT”, DWIZ882 KHZ(Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM/Sabado 11:00-12NN)

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kung totoo nga na pinilit si Frix upang ituro ang kasamahan niya na si Noe na siyang kumuha ng retaso ng mga kable, hindi maari itong tanggapin sa Korte. Walang abogadong gumabay kay Frix ng ginawa niya yan at ayon sa kanya, may pambabraso at pananakot para gawin niya ang sulat. ‘A fruit from a poisonous tree is inadmissible in court’. May proseso tayong dapat sundin at malinaw na may paglabag na nangyari rito. Walang nakakita kung sino ang kumuha. Ayon kay Noe ito’y mga kableng itinapon na dahil nasunog at ’di naman lalampas ng 15 metro. Dahil berbal ang pagkasabi sa kanya na hindi na sila pwedeng ibalik sinulatan namin ang Gloscore para malaman kung ano ba ang ‘status’ ng dalawang empleyado nila. Para naman ito ang magiging basehan ng aming tanggapan kung paano namin sila matutulungan. Yung mga araw na kanilang pinagtrabahuhan na ang hinihingi raw ay resignation letter ay nagpapakita ng kahinaan sa kanilang kaso laban sa dalawa. Tinanong namin sila ng diretsuhan na sa gagawin nilang laban na ito na dalhin ang usapin sa Department of  Labor and Employment  (DOLE) at National Labor and Relations Commission (NLRC) maaring mapwersa ang mga kamay ng Gloscore Philippines na ituloy ang kasong Qualified Theft subalit kaila­ngan mismong may-ari ang magreklamo. Isang matigas na sagot ang nadinig namin sa dalawa, “Lalaban po kami wala kaming kasalanan. Wala kaming ninanakaw!” (KINALAP NI MONIQUE CRISTO­BAL)  SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038

DAW

FRIX

NIYA

NOE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with