^

Punto Mo

Pinakamaliit na aso sa mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso mula sa United Kingdom na may bigat na 170 gramo at may habang 5 sentimetro ang sinasabing pinakamaliit na aso sa buong mundo.

Ang asong si Belle ay isang Yorkshire Terrier at nakatira sa bayan ng Great Yarmouth sa Norfolk, England kasama ang kanyang amo na si Karenza Cruse. Pinangalanan siyang Belle mula sa karakter ng kuwentong Peter Pan na si Tinker Bell dahil pareho silang napakaliit.

Tuta pa lamang si Belle ngunit naniniwala ang mga beterinaryong sumuri sa kanya na hindi pangkaraniwan ang kanyang liit. Walong beses kasi siyang mas maliit at mas magaan sa mga asong kasing-edad niya.

Isa si Belle sa apat na magkakapatid na tuta pero siya lang ang nabuhay at itinakwil pa ng ina nito kaya ang tanging nag-aruga kay Belle simula nang siya ay ipanganak ay ang among si Karenza. Buong araw binabantayan ni Karenza ang napakaliit na aso at oras-oras niya itong pinakakain upang lumaki.

Dahil sa liit ni Belle, nagagawa ni Karenza na ilagay ito sa  loob ng kanyang handbag at dalhin kahit saan siya magpunta.

BELLE

BUONG

DAHIL

GREAT YARMOUTH

KARENZA

KARENZA CRUSE

PETER PAN

TINKER BELL

UNITED KINGDOM

YORKSHIRE TERRIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with