^

Punto Mo

Air Freshener mula sa dumi ng baka, naimbento sa Indonesia

- Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG high school students mula sa Indonesia ang nakaimbento ng kakaibang air freshener dahil sa taglay nitong sangkap — dumi ng baka!

Nagawa nina Dwi Nailul Izzah at Rintya Aprianti Miki ang kakaibang air freshener sa pamamagitan ng pagkuha ng katas ng dumi ng baka na inihalo nila sa gata ng niyog. Saka nila ito pinadaan sa proseso ng distillation upang maging malinis.

Ayon sa dalawa, mabango ang kanilang nagawang air freshener sa kabila ng kakaibang sangkap na ginamit nila rito. Nakalalamang din ang nagawa nilang air freshener sa mga ibinebenta sa merkado dahil hindi ito nagtataglay ng mga kemikal na nakapipinsala sa kalikasan.

Dahil sa kakaibang sangkap na kanilang ginamit, nanalo ang dalawa ng first prize sa sinalihan nilang science fair sa kanilang eskuwelahan. Bukod dito, napili rin ang dalawa bilang kinatawan ng Indonesia sa gaganaping International Environment Project Olympiad race (INEPO) sa Istanbul.

AIR

AYON

BUKOD

DAHIL

DWI NAILUL IZZAH

INTERNATIONAL ENVIRONMENT PROJECT OLYMPIAD

NAGAWA

NAKALALAMANG

RINTYA APRIANTI MIKI

SAKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with