^

Punto Mo

Manong Wen (9)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NARINIG na pala ni Princess ang pagtigil ng traysikel sa tapat ng bahay kaya lumabas ito. Nang makita na si Jo ang bumaba sa traysikel ay masayang sumalubong.

“Mang Jo!”

Binuksan ni Princess ang gate at pinapasok si Jo.

“Kumusta ka po Mang Jo?”

“Mabuti naman. Kayong magkapatid, kumusta naman?”

“Mabuti po sa awa ng Diyos. Halika po rito sa loob. Wala pa po si Precious dahil mayroon daw praktis sa ipalalabas nilang sayaw sa foundation day.”

“Ah ganun ba?”

Pinaupo siya.

“Mabuti po at napadalaw ka uli, Mang Jo. Akala ko po hindi ka na babalik dito.’’

“Siyempre babalik ako rito dahil magbabayad ako ng utang kay Tatay mo --- kay Manong Wen.”

“May utang ka po kay Tatay?”

Napatawa si Jo.

“Utang na loob. Mayroon akong utang na loob kay Manong Wen.’’

“Ay akala ko’y utang na….’’

“Pera?’’

“Opo.’’

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Maraming naitulong sa akin ang tatay mo. Naging mabuti siya sa akin. Ipinagtanggol pa nga niya ako sa isang nambu-bully…’’

“Talaga po?’’

“Bago pa lamang ako noon sa Saudi kaya kinakaya ng mga datihan. Pero pinagtanggol ako ng tatay mo. Matapang pala si Manong Wen.’’

“Marunong po ng arnis yun. Sanay na sanay po. Nung hindi pa siya nagkakasakit, nag-eensayo siya. Baka raw makalimutan niya ang mga palo.’’

“Ganun ba? Kaya pala ma-lakas ang loob na ipagtanggol ako.’’

“Teka nga po pala, ipaghahanda ko po ikaw ng lunch.”

“Sige nagugutom na nga ako. Eto nga pala ang pasalubong ko sa inyong magkapatid. Dala ko pa yan mula sa Saudi. Mga lotion at sabon at saka toothpaste. Mayroong chocolate…’’

“Salamat po. Matutuwa po si Precious nito. Saglit lang po at ipaiinit ko ang tinolang manok.’’

“Sige Princess.’’

Pagkalipas ng 15 minuto, tinawag na ni Princess si Jo. Nagtungo si Jo sa kusina. Umuusok ang tinola na may kahalong berdeng papaya at talbos ng sili. Umuusok din ang kanin.

“Kain na po.’’

Kumain si Jo. Masarap ang sabaw.

“Ang sarap ng sabaw, Princess.’’

“Salamat po.’’

Habang kumakain, nag­kukuwento si Princess tung­kol kay Manong Wen. Maraming nalaman si Jo ukol sa kaibigan. Kaya pala ganun. (Itutuloy)

 

AKO

BINUKSAN

KAYA

MANG JO

MANONG WEN

MARAMING

SIGE PRINCESS

TATAY

UMUUSOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with