^

Punto Mo

10 Benepisyo kung ‘In Love’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Ayon sa mga researchers ng iba’t ibang unibersidad:

Yale University: Kapag ang tao ay “in love” o alam niyang may umiibig sa kanya, nababawasan  ang blockage sa kanyang coronary arteries.

Case Western Reserve University:  Ang isang tao na nasa masayang pakikipag­relasyon ay nagkakaroon  ng lower rates ng angina. 

University of Pittsburg: Ang babaeng may masayang buhay may-asawa ay bumababa ang tsansa na magkaroon ng sakit sa puso.

2. Ang married couple na may healthy sex life ay bumababa ang tsansa na magkaroon ng prostate at ovarian cancer.

3. Nakakatanggal ng stress ang yakap at pakikipagtalik.

4. Ang sex ay nakakapagpahimbing ng tulog dahil sa nalilikha nitong good hormones na nakakapagpa-relax.

5. Nakakapagpahaba ng buhay. Lalo na kapag nagpakasal ang isang tao, iniiwasan na nila ang mga gawaing alam nilang delikado sa kanilang buhay. Naroon kasi ang hangarin na humaba ang kanilang buhay para sa minamahal.

6. Ang pakikipaglambingan sa minamahal ay nagtatanggal ng physical pain. Habang nakikipaghalikan, ang laway na lumalabas ay nagkakaroon ng natural anaesthetics. Kapag ito ay nagpatuloy sa pakikipagtalik, love hormones naman ang lumalabas sa katawan na lalong malakas na bertud upang matanggal ang mga nadaramang sakit sa katawan.

7. Lumalakas ang immune system.

8. Tumataas ang tiwala sa sarili.

9. Nagiging regular ang monthly period ng mga kababaihan.

10. Nagiging pasensiyoso at mapagpatawad  kaya umuunlad ang kanilang pagkatao.

Source: http://www.chacha.com/gallery/2452/health-benefits-of-love

AYON

CASE WESTERN RESERVE UNIVERSITY

HABANG

KAPAG

LUMALAKAS

NAGIGING

NAKAKAPAGPAHABA

UNIVERSITY OF PITTSBURG

YALE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with