^

Punto Mo

‘OJT’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BAGO magtapos ang isang estudyante sa anumang kurso, kinakailangan muna niyang pasahan ang subject na on the job training.

Ito ay paghahanda sa totoong mundo. “OJT” kung tawagin, pagsasanay. Nasa kurikulum ito ng mga kolehiyo at unibersidad.

Subalit, may mga kumpanya na nananamantala sa mga ­intern o on the job training na gustong matuto. Pinagta-trabaho na parang isang organikong empleyado pero walang sweldo.

May mga kasong nakarating sa BITAG kung saan ang isang“trainee” ginagawang mutsatso o utusan. Pinagtitimpla ng kape, pinagsi-xerox, pinagwawalis at ginagawang “boy” sa mga tanggapan.

Kapag minalas, nagkamali at pumalpak dahil hindi kabisado ang trabaho, sinigawan at kinakagalitan.

Isinusulong ngayon ni Cong. Art Yap ang House Bill 415 hinggil sa mga pang-aabuso at pananamantala sa mga on the job trainee partikular sa mga registered nurse.

Sila yung mga titulado, nakapasa sa pamantayan o yung tinatawag na board exam na pinagta-trabaho ng full time sa mga ospital, pribado at gobyerno.

Pero sa halip na sila ang bayaran sa kanilang serbisyo, sila pa ang pinagbabayad. Pinagsasamantalahan palibhasa gusto ng mga batang propesyunal na makakuha ng eksperensya para makapag-abroad.

Kayong mga putok sa buhong kumpanya at ospital na tumatanggap ng mga intern at on the job trainee, mayroon kayong responsibilidad na turuan at gabayan ang bawat pumapasok sa inyo.

Bagamat walang budget na nakalaan para sa kanila, siguraduhin ninyo na matututo sila at magiging makabuluhan ang kanilang paghahanda sa totoong mundo.

Hindi ‘yung inaabuso sila, pinagsasamantalahan, pinagkakakitaan at pilit pinagbabayad kapalit ng sinasabing “pagsasanay.”

Ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ART YAP

BAGAMAT

HOUSE BILL

ISINUSULONG

KAPAG

KAYONG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with