^

Punto Mo

‘Manyakis sa MRT’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUNG saan may pila nandoon ang mga buwitreng nag-aabang ng kanilang mabibiktima.

 Sa mga sumasakay sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit lalo na kayong mga babae, dehado na kayo. Wala pa man sa loob ng tren, kumakana na ang mga gumagalang kamay, manyakis, mandurukot at manghihipo. Pumipila, nakikihalo at nakikipagsabayan sa mga babaing pasahero lalo na kapag rush hour.

 Nababasa na agad ng mga mapagsamantalang kumag kung sino ang kanilang didikitan at bibiktimahin. Mga babaing malinis tingnan, mabango, estudyante at papasok sa trabaho na alam nilang hindi papalag. Mga tipikal na hindi makabasag-pinggan at tipong mananahimik at lalayo na lang sa kanilang puwesto.

 Nakarating sa akin sa pamamagitan ng text messages at bitagtheoriginal.com ang mga kababuyan at kamanyakan ng mga putok sa buhong predator sa mga MRT at LRT.

 Idinidikit nila ang kanilang ari sa likurang bahagi o sa puwet ng babae tapos pinagagalaw pa at inilalawit ang kanilang mga dila. Kundi ba naman mga bastos. May mga tao talagang manyak na parang wala silang nanay, kapatid at mga anak na babae. Kumbaga, okay lang na gawin mo basta sa iba.

 Payo ng BITAG sa mga MRT at LRT rider, sa susunod na sumakay kayo ng tren lalo na at siksikan, magdala na kayo ng mga perdible. Kapag may mga malilikot na kamay dyan, huwag na kayong magdalawang-isip, tusukin ninyo na agad. Komprontahin at ipahiya ninyo para madala.

 Ang punto ko rito, mag-ingat kayong mga babae sa mga manyakis na kunwari makikipila, sasakay ng tren.

Sana nakikinig ang Department of Transportation and Communications, dagdagan ang mga interval o oras ng biyahe ng mga tren. Dagdagan ang coaches o bagon para hindi nagmumukhang kawawa ang mga pasahero lalo na ang mga kababaihan.

Ang problema, sabi ng DOTC, tiis-tiis muna. Malapit na raw. Mga apo na lang siguro natin ang makikinabang diyan.

Mensahe ko sa inyo, mga putok sa buhong “baboy” buwitre at manyakis, balang-araw, magkukrus din ang mga landas natin. Itaga ninyo sa bato, pagsisisihan ninyo kung bakit pa kayo isinilang sa mundo.

DAGDAGAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

IDINIDIKIT

ITAGA

KAPAG

KOMPRONTAHIN

LIGHT RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with