Lalaki, 26 na taon nang nagta-travel sa mundo habang pasan ang krus
MABIGAT ang krus na pinapasan ni Lindsay Hamon, 60-anyos, pero hindi siya tumitigil at patuloy na nagÂlilibot sa mundo para magkuwento sa mga tao hinggil kay Hesukristo. Dalawampu’t anim na taon nang naglilibot sa mundo si Hamon at may 19 na bansa na ang kanyang narating habang pasan ang krus.
Kabilang sa mga bansa na kanyang narating ang New Zealand, Romania, India, Bangladesh at Sri Lanka. Sa bawat bansang marating ay nagkukuwento siya sa mga tao ng tungkol kay Hesukristo. Sa bawat madaanang mga tao ay ibinabahagi niya ang buhay ni Hesukristo. Mayroong nakikinig sa kanya at mayroon din namang hindi.
Isang hindi niya makakalimutang karanasan ay nang kuyugin siya at barilin sa Bangladesh. Naranasan na rin niyang kaÂladkarin at ipagtabuyan palabas ng St. Peter’s Square sa Rome. Subalit sa kabila nang mga naranasan, sinabi ni Hamon na hindi siya titigil sa pagpapasan ng krus at magla-lakbay siya hanggang maikot ang mundo.
Nagsimulang magpasan ng krus si Hamon noong 1987. Ang krus na kanyang pinapasan ay gawa sa cedar wood na may taas na 12 feet at 6 feet ang lapad. Mayroon itong gulong sa base para madaling hilahin. Pinapasan niya ang krus sa loob ng 12 oras.
Si Hamon ay may dalawang anak. Nakatatanggap siya ng donasyon mula sa supporters at dahil doon kaya siya nagpapatuloy bilang Christian Evangelist. Subalit patuloy din naman siyang nagtatrabaho bilang part-time care worker.
---www.oddee.com---
- Latest