Piso
MINSAN, nagkakilala sa loob ng isang wallet sina 1-peso coin at 500-peso bill. Ilang minuto lang silang nagsama sa wallet at tuluyan na silang nagkahiwalay dahil ginastos na sila ng taong nagmamay-ari ng wallet.
Isang araw ay muling nagkita ang dalawa. Nagkuwentuhan sila ng kanilang sarisaring karanasan. Ang kuwento ni 500-peso bill ay kung saan-saang mamahalin at magagandang wallet ng mayayaman siya tumira. Siya rin lagi ang ipinambabayad sa mga sosyal na restaurant at tindahan. Ipinagmamalaki ni 500-peso bill ang kanyang accomplishment kay 1-peso coin.
Sabi ni 1-peso coin: ‘‘Buti ka pa kaibigan, mayamang-mayaman ka sa magagandang karanasan. Ako ay marami rin karanasan ngunit ang kadalasang wa-llet na napupuntahan ko ay simple lamang dahil ang nagmamay-ari nito ay masa o mahihirap lang. Pero paminsan-minsan lang ako naitatago sa wallet. Laging nagla-landing ako sa maruruming kamay ng mga pulubi o marurungis at kalawanging lata. Pero okey lang sa akin dahil tuwing mahahawakan ako ng mga kapus-palad ay nagdudulot ako ng ngiti sa kanilang mga labi.
Ngunit ang isang accomplishment na talagang maipagmamalaki ko ay ako lagi ang napipiling ihulog sa Church collection bag. Madalas tuloy akong napapapunta sa simbahan at nabebendisyunan ng pari.â€
- Latest