^

Punto Mo

Komedya …sa buhay ng US Presidents

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

John Quincy Adams II (6th US President, anak ni John Adams, 2nd US President)

Tuwing 5 a.m. ay ugali na niyang maligo ng hubo’t hubad  sa Potomac River, katabi lang ng White House. Noong panahong iyon ay may isang makulit na lady journalist na gusto siyang ma-interview. Ito ay si Anne Royall, ang pinakaunang babaeng professional journalist sa US. Marahil ay hindi sanay humarap sa babaeng journalist, ayaw ni John Q. Adams na magpa-interview. Ito namang si Anne, ayaw sumuko at habol nang habol sa presidente.

Isang umaga ay natiyempuhan niya ang presidente sa oras ng paliligo sa ilog. Hindi na ibinigay ang detalye kung paano nakalapit si Anne Royall sa pinagpapatungan ng hinubad na damit ng presidente. Kinuha iyon ng journalist at saka nilapitan ang presidente na naglalangoy sa ilog.

“Good morning! Sa wakas Mr. President, maiinterbyu na rin kita.”

“Opps, Baka nakakalimutan mo na hindi pa ako puma­payag.”

“Pero Mr. President, 100 percent sure ako na papayag ka, whether you like it or not.”

“Paano ka nakasiguro?”

Iniladlad ni Anne ang pantalon at polo ng presidente. “Hawak­ ko ang damit mo, Sir. Ibibigay ko lang ito sa iyo kung magpapainterbyu ka habang nakalublob ka diyan sa tubig”

Napangiti ang presidente. Humanga siya sa tiyaga at pagi­ging wise ng babaeng ito. “Okey, okey, start the interview.”

Naging tampok sa history ang pangyayaring iyon at tinaguriang “first presidential interview ever granted to a woman.”

(May kasunod pa)

ANNE ROYALL

JOHN ADAMS

JOHN Q

JOHN QUINCY ADAMS

MR. PRESIDENT

POTOMAC RIVER

SIR. IBIBIGAY

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with