‘Hinubuan ng paslit’
NATURAL sa isang musmos ang maging mapagbiro. Kapag pinatulan mo ito ikaw ang laging talo.
Nagdadalawang-isip pang magkwento si Lino de Leon Jr. tungkol sa pananakit ng kanyang nakababatang kapatid nung magpunta sa aming tanggapan.
“Ayoko siya makulong kasi kapatid ko siya pero sobra na kasi ang ginagawa niya,†wika ni Lino. Ayon kay Lino, 46, taga Pasig City, sinampal daw siya ng kanyang kapatid na si Lino de Leon IV, 37, at hindi niya raw ito lubusang matanggap. “Pati pagtulog ko naiisip ko yung ginawa niya sa akin at nanggigigil ako sa galit. Ako ang kuya niya kaya dapat irespeto niya ako,†dagdag pa niya.
Walang pamilya si Lino at nagtatrabaho bilang isang masahista. Mag-isa siya sa buhay ngunit dahil sa kagustuhan niyang makasama ang kanyang mga kapatid tumira siya malapit sa mga ito. Madalas niyang hiramin ang mga pamangkin para makasama. Siya daw ang nagbibigay ng perang pambaon nila sa eskwela.
Isang araw, habang siya’y papunta sa bahay ng kanyang customer dumaan siya sa kalapit na sari-sari store para bumili ng biskwit. Nang kinakain na daw niya ito biglang nilapitan siya ng kanyang pamangkin na si Ramon (di tunay na pangalan) apat na taong gulang at nanghingi ito ng pera sa kanya.
“Wala akong pera. Dun ka na lamang manghingi sa tatay mo,†ang sabi ni Lino sa pamangkin. Pagkatalikod niya nagulat na lamang siya ng biglang huburan siya ng shorts ni Ramon. “Mabuti sana kung shorts lang ang nahubad eh pati brief ko nahubo!†ani Lino.
Sa pagkakataong daw yun madami ang nakatambay sa tindahan at pinagtawanan siya. Dahil sa sobrang hiya, naitulak niya ang pamangkin kaya umiiyak daw itong umuwi sa kanila. Paalis na sana si Lino ng biglang dumating ang kapatid niya. Sinampal daw siya agad nito ng malakas sa harap ng maraming tao kahit pa hindi siya tinatanong kung ano ba ang tunay na nangyari. Babatuhin pa umano siya ng bote nito pero nakaiwas siya.
Kinausap niya ang anak ng kanilang kapitan at pinayuhan siya nitong lumapit muna sa lupon ng baranggay para maghain ng reklamo. Sinunod niya ang payo kaya’t nagpa-blotter siya. Nagpa medico legal examination na rin siya upang ihanda ang magiging kaso ng kapatid niya. Hindi pa rin siya desidido kung magsasampa siya ng kaso laban sa kapatid kaya’t nagpunta muna siya sa aming tanggapan upang humingi ng payo.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Lino de Leon Jr.
Binigyan namin si Lino ng referral letter papunta sa Public Attorney’s Office (PAO). Kinunan siya ng pahayag. Sinabihan siya na kung itutuloy niya ang kaso kelangang kumuha muna siya ng Certificate to File Action mula sa kanilang baranggay.
SA AMIN DITO SA CALÂVENTO FILES, ayon sa ating ReÂvised Penal Code, ang sinumang mang-alipusta at makakagawa ng masama laban sa isang tao na ikabababa ng kanyang pagkatao o makakadulot ng kahihiyan sa pamamagitan ng isang aksyon (slander by deed) ay maaaring patawan ng parusa na igagawad ng hukom. Habang isinusulat namin ang pitak na ito, bumalik si Lino de Leon Jr. sa amin upang ibalita na nagkaharap na sila ng kanyang kapatid sa lupon ng baranggay. Nagkaayos na rin sila at nagsaad si Lino de Leon IV ng mga sumusunod:
‘Ako ay humihingi ng paumanhin sa nagawa ko sa kapatid ko na pananampal pero wag niya na ulit sasaktan ang aking mga anak.’
Sa parte naman ni Lino de Leon Jr. Isinulat niya ang mga sumusunod:
‘Nangangako ako na hindi ko na uulitin ang aking nagawa kay Ramon. Humihingi ako ng tawad sa pagtulak sa aking pamangkin.’
Maliwanag na ito’y away-pamilya na hindi dapat palakihin dahil kadalasan maaari namang ayusin sa loob ng tahanan upang di makaladkad sa eskandalo ang lahat ng miyembro ng pamilya. Gaya ng sinabi ng baranggay para sa kanila ang kasong ito ay sarado na. Amen! (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ)
Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari ka-yong magtext sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]
- Latest