Gaya-gaya si Calixto
PINUNTAHAN ng chief security ni Pasay City Mayor Tony Calixto na si SPO1 Roderick Miranda noong nakaraang linggo ang lahat ng may pasugal sa siyudad at inutusang tumigil na sa ilegal na negosyo. Ang akala ng mga gambling lords, ang kautusan ni Calixto ay alinsunod sa “no take’ policy ni NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. laban sa pasugalan kaya tumalima sila. Subalit hindi pala. Sinabi ng mga kosa ko na kaya pala pinasara ang gambling lords sa Pasay City ay dahil itong si Brian Corcuera ang binigyan ni Calixto ng prangkisa para mamalakad ng pasugalan sa siyudad niya. At ang itinuturong nasa likod ni Corcuera ay si alyas Moti, na sanggang dikit kay Calixto.
Mukhang hindi pa napapanahon para makaahon sa taguring “Sin City†ang Pasay dahil sa naglilipanang pasugalan at bold shows, he-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Simula noong Lunes, ang mga puwesto ng mga gambling lords na ang palaro ay suertres, ending, lotteng, ball-alai video karera, EZ2 at sakla ay si Corcuera na ang bangka. Sa maikling salita, inagaw ni Corcuera ang mga puwesto ng kapwa niya gambling lords na hindi naman makapalag dahil alam nila na hindi sila pagbibigyan ni Calixto at anak na si Mark. ‘Ika nga, baka i-dribble lang sila kapag nakiusap sila sa mga Calixto at kung anu-anong pambobola lang ang marinig nila. Kaya umiiyak sa ngayon ang gambling lords sa Pasay City, maliban kay Corcuera, dahil nawalan sila ng pagkain sa lamesa para sa pamilya nila. Eh matagal pa ang 2016! At ano ang masasabi ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City police, sa ilegal na pasugalan ni Corcuera? He-he-he! Mukhang mas takot pa si Llorca kay Moti kaysa kay Garbo, di ba mga kosa? Kaya tuloy-tuloy lang ang ligaya ni Llorca at Miranda habang tahimik pa si Garbo sa pasugalan ni Corcuera. Kaya open na sa ngayon ang kubrahan ng ending, suertres at EZ2 sa palengke ng Pasay City at maging ang mga PCP commanders ay walang magawa sa kanila. Kung itong si Llorca ay takot kay Moti, ang mga PCP commanders pa kaya? Ang gamit na pondohan ng tropa ni Corcuera ay itong bahay ng kabong si Roger “Palengke†sa De las Alas St. Kung bukas na bukas ang pasugalan sa Pasay City, ganundin ang bold shows sa beerhouses at nightclubs kahit kasama sila sa “no take†policy ni Garbo. Magkano ba General Garbo? He-he-he! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!
At dahil sa tagumpay na inaani ni Manila Mayor Erap Estrada sa kampanya niya para mapaluwag ang trapiko sa siyudad niya, aba gaya-gaya rin si Calixto. Nagbabanta si Calixto na wawalisin niya ang mga tricycle sa lansangan ng Pasay.
Kung may 11,000 tricycles sa Pasay, eh limang doble rin ang pamilyang magugutom, di ba mga kosa? Naging gatasan din ni Moti ang tricycles kaya baka mabago rin ang takbo ng hangin dito sa balakin ni Calixto.
Kung sabagay, ang pasugalan nga at bold shows ay hindi mawalis ni Calixto, tricycles pa kaya? Ang may alam sa pagkakakitaan sa tricycle ay si alyas Ace Sevilla. Abangan!
- Latest