^

Punto Mo

Lampong (351)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANG malakas na pagtanggap ng mga customer sa INASALITIK ang nakapagbigay ng inspirasyon kay Dick para lalo pang mag-isip ng mga bagong lugar na pagtatayuan ng restaurant sa Metro Manila. Kailangan ay sa mga mataong lugar siya maghanap ng pupuwes­tuhan. Kahit na maliit na lugar basta malinis at masarap ang iaalok na pagkain, tiyak na papatok.

Kinabukasan, nagtungo siya sa university belt. Mula Legarda ay naglakad siya sa Recto. Napakaraming estudyante ang kanyang nakita. Marami na ring kainan sa lugar na iyon pero parang kulang na kulang pa rin. Nakapila ang mga estudyante para makaorder ng pagkain. At isipin na ang mga pagkain sa mga restaurant ay mahal. Kung dito sa lugar niya iintroduce ang INASALITIK, na bukod sa masarap na at mura pa, baka lalong pumatok. Baka sa loob lamang ng isang buwan ay magsilipat ang mga customer sa kanya. Siyempre nagsasawa na sila sa araw-araw na burger at fries at kung anu-anong luto sa manok at pork. Kung matitikman ang masarap na karne ng itik, baka paulit-ulit na balikan.

Tumigil siya sa kanto ng Morayta at Recto. Napag­masdan niya ang isang building doon. Sa ibaba ng building ay mayroon nang kainan. Puwede roon ang kanyang INASALITIK. Malapit na malapit sa dalawang uniber­sidad. Paglabas ng mga estud­yante, ang kanyang restaurant ang makikita.

Pinlano ni Dick ang mga gagawin. Bukas makikipag-usap na siya sa may-ari ng building kung ano ang mga requirements para makapagtayo ng restaurant. Wala siyang sasayanging mga oras habang narito sa Maynila. Uuwi lamang siya kapag marami nang maibabalitang maganda kay Jinky.

Napabutunghininga lang siya nang maalala ang problema sa kanilang dalawa ni Jinky – problemang silang dalawa lamang ang naka­aalam.

Kinabukasan, kinausap niya ang may-ari ng building at agad silang nagkasundo. Sabi ng may-ari, marami na raw ang kumausap sa kanya sa puwestong iyon para tayuan ng restaurant pero hindi siya pumayag. Ewan daw niya kung bakit nang si Dick ang makipag-usap ay payag agad siya.

“Siguro po Mr. Cruz ay papatok ang aking negosyo rito sa inyong building.”

“Sana nga Dick.”

“So puwede na po akong mag-umpisa para sa pagpapagawa ng INASALITIK Restaurant.”

“Puwede na Dick. Good luck!”

“Salamat po.”

Tuwang-tuwa si Dick. Sinusuwerte talaga siya.

(Itutuloy)

BUKAS

JINKY

KINABUKASAN

METRO MANILA

MR. CRUZ

MULA LEGARDA

PUWEDE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with