^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga barongbarong sa tabing ilog

Pang-masa

UMPISA na ng tag-ulan. Kahapon ng hapon ay bumagsak ang malakas na ulan sa ilang lugar sa Quezon City. Isang linggo nang tuwing hapon ay nagdidilim ang kalangitan, kikidlat, kukulog at ang kasunod ay ang pagbuhos ng ulan. Hindi naman gaanong matagal ang pagbuhos pero nagdudulot agad iyon ng pagbaha. Paano pa kung walang patlang ang pag-ulan? Tiyak, magiging dagat na naman ang Metro Manila. Marami na naman ang magdurusa sa problemang baha. Magiging abala na naman ang gobyerno sa paglilikas sa mga naninirahan sa tabing ilog at estero.

Noong nakaraang taon na nagkaroon ng habagat sinabi ng pamahalaan na mamadaliin ang pag-aalis sa mga barongbarong na nasa mga pampang ng ilog, ilalim ng tulay at iba pang nakatira sa daluyan ng tubig. Ihahanda na raw ang paglilipatan at mayroon nang pondo. Pero sa nakikita, tila lalo pang dumami ang mga nakatira sa tabing ilog. Lalo pang kumapal ang mga barongbarong na halos nasa gitna na ng estero. Marami pa ring naninirahan sa ilalim ng tulay.

Ang patuloy na pagdami ng mga iskuwater ang dahilan kaya maraming basura sa estero. Sila ang nagtatapon ng mga plastic na supot at bag, cup ng noodles, sache ng shampoo, tetrapak at iba pang bagay na hindi natutunaw. Pati ang kanilang dumi ay sa ilog na rin ang bagsak. Sa kabila ng pakiusap na huwag magtatapon ng basura sa ilog at iba pang daluyan ng tubig, marami ang ayaw sumunod. Pinaka-mabisang paraan ay pilitin silang alisin doon para masolusyunan ang pagbaha.

Noong Martes, nilinis ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Estero de Pandacan at 320 tonelada ng basura (pawang plastig bags) ang nakuha. Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, walang ibang masisisi sa pagkakaroon ng mga basura sa esterong iyon kundi ang mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay at sa pampang.

Kailangang sikapin ng MMDA na mapaalis ang mga naninirahan sa mga pampang ng estero at nasa ilalim ng tulay ngayong hindi pa todo ang buhos ng ulan. Problemang malaki ito kapag wala nang patlang ang pagdalaw ng bagyo.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

ESTERO

IHAHANDA

MARAMI

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOONG MARTES

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with