^

Punto Mo

‘Multo’sa isang bahay sa Iowa, nagnanakaw ng panty!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG grupo ng mga estudyante sa University of Iowa ang nakaranas nang makapanindig balahibong karanasan nang tumira sa isang bahay na malapit sa unibersidad. Pinaglaruan umano sila ng isang multo ng babae habang nakatira sa bahay.

Ayon sa mga estudyante, nakaranas sila ng mga kakaibang pangyayari sa bahay katulad ng paggalaw ng mga furniture sa loob, paglipat-lipat ng channel ng TV at ang pagkawala ng remote control ng TV gayung nilapag lang nila sandali.

Ayon pa sa mga estudyante, nakakaranas din sila ng kakaibang lungkot at may pagkakataong nade-depressed sila. Ayon pa sa isang estudyante, nang pumasok siya sa isang room ay isang multo ng babae ang kanyang nakita. Sigurado umano siya na babae ang multo. Bigla raw nawala ang multo.

Ang matinding naranasan ng mga estudyante ay nang isama ang kani-kanilang girlfriends sa bahay at doon natulog ang mga ito. Ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga babae sapagkat wala na silang panty nang magising kinabukasan. Hinubad at ninakaw ang kanilang panty.

Hinanap nila ang panty at natagpuan sa iba’t ibang lugar sa loob ng bahay. Hindi sila makapaniwala. Naniniwala silang multo ang nagnakaw ng kani-kanilang mga panty.

Natuklasan ng mga estudyante na ang bahay pala ay dating funeral home noong 1920s.

vuukle comment

AYON

BAHAY

BIGLA

ESTUDYANTE

GANOON

HINANAP

HINUBAD

ISANG

UNIVERSITY OF IOWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with