^

Punto Mo

13 Tips and Tricks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Kung nangangati ang lalamunan, marahang kamutin  ang iyong tenga. Pasisiglahin nito ang nerves na magdudulot ng muscle spasm sa lalamunan kaya titigil ang pangangati.

2. Kung may kausap ka at nasa gitna ng maingay na party, ilapit mo ang iyong kanang tenga sa iyong kausap. Magaling pumik-ap ng salita ang kanang tenga samantalang ang kaliwa ay magaling pumik-ap ng music tones.

3. Kung ihing-ihi ka na pero walang bathroom na available, libangin ang sarili sa pagpapantasya ng iyong crush, dyowa or anything na may kinalaman sa karelasyon. Inaabala mo ang iyong utak sa pag-iisip ng ibang bagay kaya nakakalimutan mo na ikaw ay maiihi o maeebs. At least nai-delay mo ang pagbulwak ng iyong “sama ng loob”.

4. Next time na magpapa-inject ka sa doktor, umubo habang nakasaksak ang needle sa iyong braso. Ang pag-ubo ay nakakatulong upang hindi maramdaman ang sakit na dulot ng needle.

5. Mapapaluwag mo ang “nagsisikip na ilong” dulot ng sipon sa pamamagitan ng pagdiin ng iyong dila sa ngala-ngala. Tapos idiin ang tig-isang daliri sa magkabilang kilay. Gawin ang mga ito sa loob ng 20 seconds. Binubuwag nito ang plema na naka­bara sa ilong. Ulitin ang procedure habang hindi lumuluwag ang paghinga. (Itutuloy)

BINUBUWAG

GAWIN

INAABALA

ITUTULOY

IYONG

MAGALING

MAPAPALUWAG

PASISIGLAHIN

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with