^

Punto Mo

Brown rice at wheat bread para sa diabetes

Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

AYON sa researchers ng Harvard School, ang pagkain ng brown rice at wheat bread ay puwedeng makababa sa insidente ng diabetes ng hanggang 36%. Napakalaki nitong benepisyo. Kumpara sa mga taong mahilig kumain ng white rice, mas hindi tumataas ang lebel ng blood sugar ng mga taong kumakain ng brown rice.

Ayon kay Dr. Qi Sun, na gumawa ng pag-aaral sa Harvard, dapat maging mapili ang publiko sa pagkain ng kanilang carbohydrates. Mayroon kasing tinatawag na good carbohydrates at bad carbohydrates. Piliin natin ang mga good carbohydrates tulad ng brown rice, wheat breat, high fiber cereal at mga sari-saring gulay. Dahil sa taglay nitong fiber, mabuti ito sa ating bituka at nakabababa pa ng kolesterol. Umiwas o limitahan natin ang pagkain ng mga bad carbohydrates tulad ng puting kanin, asukal at white bread, na madaling makataas ng blood sugar.

Ang pagsusuri ng Harvard School ay isinagawa sa 200,000 na katao sa loob ng 22 taon!  Ang 50,000 ay kalalakihan at halos 150,000 ang kababaihan. Dahil malaking pag-aaral ito, kaya kapani-paniwala ang naging resulta.

Sabi pa ni Dr. Qi Sun, posible din na ang mga taong mahilig sa brown rice at wheat bread ay mga health-conscious o maingat na sila sa kanilang kalusugan kaya sila nakaiiwas sa diabetes. Kung gusto ninyong subukan ang brown rice, dahan-dahanin lang ang pagkain nito para hindi mabigla ang iyong tiyan. Mayroon kasing nagtatae sa biglang paglipat sa brown rice.

Ang wheat bread naman ay mas masustansya kaysa sa white bread. May pagka-kulay kape ang wheat bread at may kapaitan ito ng bahagya. Pero mas maganda ito para sa ating katawan.

AYON

BREAD

BROWN

DAHIL

DR. QI SUN

HARVARD SCHOOL

KUMPARA

MAYROON

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with