^

Punto Mo

2 benepisyo sa RH bill

LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

HINDI dapat humantong sa personalan ang mga senador at kongresista na tutol at pabor sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill. Inaasahan na mas mapapabilis na makalusot ang panukala dahil sertipikado na ni President Noynoy Aquino bilang urgent bill ng administrasyon.

Maipasa man ang RH bill ay ang taumbayan pa rin naman ang magpapasya kung ito ay kanilang  susundin lalo na sa pagplaplano ng pamilya. Bahagi ng RH bill ay ang pamamahagi ng libreng condom at pildoras para sa mga mahihirap upang makontrol ang pagdami ng anak. Masyadong pinag-iinitan ng ilang tutol sa RH bill ang bilyong halaga raw na ipopondo sa condom at iba pang contraceptives na maaari raw mailaan sa pagpapatayo ng mga paaralan at iba pang proyekto.

Pero naisip ba ng mga ito na kung patuloy na lolobo ang populasyon ay baka kulangin pa ang bilyong halaga na pambili sa contraceptives na kailangang ilaan sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mas malaking populasyon. Ang masaklap kasi sa Pilipinas ay kung sino pa ang walang trabaho ay sila pa ang mas malaki ang pamilya kumpara sa mayaman na kakaunti ang anak.

Nagkakaroon naman  ng personalan ang ilang senador na tutol at pabor sa RH bill. Ito ay matapos ibunyag ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagpakita umano ng pamemersonal si Senate President Juan Ponce Enrile nang iutos nito sa kanyang mga tauhan na ipasoli  ang regalo nila ni Senador Pia Cayetano.

Ang aksiyon ni Enrile ay maituturing umano ng kawalan ng pagrespeto sa kapwa senador. Sa ganitong holiday season ay normal na nagbibigayan ng mga regalo lalo na ang mga mambabatas magkakalaban man ng partido o prinsipyo. Hindi dapat humantong sa personalan ang RH bill. Sa halip, magrespetuhan ang bawat mambabatas sa kanilang mga paninindigan. May tamang panahon at lugar para rito tulad ng debate bago maaprubahan.

Kung makakalusot ang RH bill, irespeto nang lahat dahil ang ibig sabihin nito ay nagsalita ang mayorya at ito ang dapat igalang nang lahat. Kung makakalusot ang RH bill, dalawa ang makukuha rito: una, magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino na maiplano ang kanilang pamilya; ikalawa, makakatulong sa luma­lalang problema sa HIV-AIDS. Lumala umano ang AIDS dahil sa pagkakatigil ng pamamahagi ng libreng condom.

 

BAHAGI

BILL

ENRILE

INAASAHAN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPRODUCTIVE HEALTH

SENADOR PIA CAYETANO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with