Water diet
TATLO hanggang apat na litrong tubig ang naiinom ko araw-araw. Nagising na lamang ako isang araw na uhaw na uhaw at naalala ko ang isang kaibigang grabeng uminom ng tubig at grabe rin ang ganda ng balat at grabe ang laki ng pinayat. Naisipan ko tuloy na religiously ay uminom ng 8-10 glasses of water a day. Sa ikalimang araw, nakaramdam ng kakaiba. Para bang gumaan ang katawan ko at hindi ako bloated. Dito ko naisipang manaliksik at natagpuan ko ang tinatawag na water diet.
Ang water diet ay uri ng diyeta kung saan iinom lamang ng walong 8 oz na baso ng mala-yelong lamig ng tubig sa loob ng isang araw. Anang mga siyentista ang napakalamig na tubig ay pumupuwersa sa katawang painitin ito at ang epekto ay ang pagbu-burn ng calories at pagbilis ng metabolismo at pagtunaw ng taba, na nagpapapayat. Mas malamig ang tubig, mas nahihirapan ang katawang painitin ito, mas bibilis ang metabolismo. Mas maraming tubig, mas mapapanatili ang hydration level ng katawan na isa rin sa nagpapataas ng metabolismo. Ang mga matataba ay kulang sa tubig kaya dehydrated sila.
Bukod sa nakakapayat ang tubig, ang pag-inom nito ay nakakabawas ng pagkain. Dahil puno na ang tiyan ng tubig, kakaunti na lamang ang espasyong kaya punan ng pagkain. Mas kaunti ang makakain, mas hindi ka tataba. Ang tubig ay mabisa rin upang malinis ang katawan partikular na ang atay at colon ang dalawang tagalinis ng katawan at pinaka-malakas mag-imbak ng mga “dumi” mula sa kinakaing kung anu-ano.
Ang nakakabighani sa water diet, hindi kailangang baguhin ang anuman sa kinakain, gayundin ang magdagdag ng pag-eehersisyo. Pero siyempre, irerekomenda ko sa inyo ang mag-exercise. Mas malaki ang ipapayat mo at igagaan ng katawan mo kung sasabayan ng tamang pagkain at regular na ehersisyo.
Ang maganda sa water diet, mura. Hindi kailangan ng espesyal na pagkain. Basta malinis na tubig lamang. Kaso nga lang, ihi nang ihi. Na minsan ay nakakainis na kakabanyo mo lang ay tinatawag ka na naman ng inidoro. Kaya hinihikayat ko kayong subukan ito. Kung hindi man bumaba ang timbang ninyo, mabuti pa rin naman sa katawan ang ginawa ninyo dahil nalinis at nailabas ang mga dumi. Your body will thank you for drinking eight glasses of water daily.
- Latest