^

Punto Mo

‘Pagsasanay ng mga Pinoy US cops’

Ben Tulfo - Pang-masa

EKSLUSIBONG nasaksihan ng team Ride Along ng BITAG ang pagsasanay ng mga patrol officers ng South San Francisco Police Department. Karaniwang ginagawa ang “entry assault training” ng mga patrol officers para maging handa sa mga respondeng itinatawag sa kanila ng 911.

Kaakibat sa bawat respondeng ginagawa ng mga patrol officers ang panganib kaya naman matamang pagsasanay ang kanilang ginagawa.  Bukod pa rito, sila rin ang “front liner” sa mga assault bago pa man dumating ang Special Weapons and Tactics o SWAT.

Ilan sa ating mga kababayang Pinoy patrol officers ng South San Francisco Police Department ang nakasama sa isinagawang pagsasanay. Bawat senaryong kinakailangan nilang respondehan, matiyagang itinuturo ng kanilang trainer.

Hindi lamang isang beses ang pagsasanay sa bawat senaryo, paulit-ulit nila itong ginagawa hanggang sa maging perpekto at maging eksakto ang kanilang mga kilos. Bawat kilos ay kalkulado, hindi sila tumitigil hanggat hindi maisasaulo ang mga senaryong pwedeng mangyari sa kanilang pagpapatrolya.

Ang kanilang pagsasanay ay naaayon sa kanilang lugar, tinaguriang industrial city ang South San Francisco kaya naman sinanay ang mga patrol officers sa pagpasok sa mga gusaling may hagdan. Maraming lebel ang ginagawang pagsasanay ng mga patrol officers kaya naman tutok at seryosong pag-aaral ang kanilang ginagawa sa senaryong ibinibigay sa kanila.

Ang kanilang pagsasanay ay itinuturing na aktuwal at totoong pagresponde kaya naman buhos ang konsentrasyon ng mga patrol officers. Kahanga-hanga ang ipinapakitang disiplina ng mga pulis sa Amerika lalo na ng ating mga kababayang Pinoy patrol officers.

Abangan sa Pinoy U.S. Cops Ride Along ang dokumentadong pagsasanay ng mga magigiting na patrol officers ng South San Francisco tuwing Sabado 8:30 ng gabi sa PTV 4.

 

BAWAT

COPS RIDE ALONG

KANILANG

OFFICERS

PAGSASANAY

PATROL

PINOY

SOUTH SAN FRANCISCO

SOUTH SAN FRANCISCO POLICE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with