^

Punto Mo

‘Kasibulan Grassroots Football Program’

- Tony Calvento - Pang-masa

BOLANG tumatalbog, lumilipad at kung saan-saang direksyon napupunta. Hindi ba nangangalay ang iyong leeg sa pagsunod sa bola? Palagi kang nakatingala para lang sundan kung papasok ba ito sa net ng goal. Isang larong ‘football’ ang ngayon ay sumisikat sa ating bansa. Sa tulong ng grupo ng mga Pilipino na may lahing banyaga na pinangalanang ‘Azkals’ ang bumuhay sa larong ito sa atin. Dati ay hindi pinapansin pero ngayon ay kilalang-kilala na dahil sa pangunahing player na si Phil Younghusband na naugnay sa isang sikat na artistang si Angel Locsin. Mahigit na 38,000 na mga kabataan at mga batang  Pilipino na may edad anim hanggang 12 na taong gulang ang naglalaro na ngayon ng football makaraan ang walong buwan  pagkatapos ng matagumpay na paglunsad ng Kasibulan Grassroots Football Program. Ang programa na inilunsad noong Pebrero 2012 ay nakatanggap ng 20 milyong pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ito ay naglalayong i-promote ang larong football sa buong bansa. Kasalukuyan itong ipinakalat sa 33 panlalawigang asosasyon ng football sa buong bansa sa ilalim ng Philippine Football Federation (PFF). Ipinahayag ng PFF at PAGCOR kamakailan na Kasibulan evaluation conference na ginanap sa Casino Filipino Mactan nuong Oktubre 25, 2012 ang napakatinding pagnanais ng mga kabataang matuto at makapaglaro ng football sa buong bansa. Iniulat ng PFF na bukod sa dumaraming bilang ng mga bata at kabataan na kasalukuyang kabilang sa programa ay mahigit na 5,000 football teachers at coaches mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang sumali rin sa league of trainers na magsasagawa ng programa ng Kasibulan.

Ayon kay PFF’s National Grassroots Officer Aquilino Pastoral na ang apat na araw na ‘evaluation conference’ ang tutulong upang kanilang mabantayan ang katayuan ng proyekto. “In totality, the program is very successful. We have activities that are simultaneously happening in the country. We train not only kids but also coaches so that our program will continue to prosper,” wika nito. “Someone told us that we are making history even if we don’t realize it. If we can sustain the Kasibulan pro­ject through PAGCOR’s help, we can produce more young Filipinos who will be ready for the football world championship in 2019,” sabi ni Pastoral. Nais din niya na palakasin ang base ng Philippine football sa mga katutubo. “PAGCOR is making all of this possible. To give importance to PAGCOR’s valuable help in the implementation of this program, we have to do our best,” dagdag pa nito. Labis naman ang kasiyahang ipinakita ni PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. sa positibong kinalabasan ng unang walong buwan ng programa ng Kasibulan. “Our corporation has always supported the development of Philippine sports at the grassroots. Football is a promising sport. The recent feat of our national football Team AZKALS in winning the Peace Cup is proof of that,” wika pa nito. Sa pamamagitan ng tulong at suporta ng PAGCOR sa proyekto ng Kasibulan ng PFF sinabi rin nito, “we hope to develop the Batang AZKALS. The project is providing venues for young football enthusiasts in different parts of the country to develop their dexterity, skills and passion for football.”

Mula naman sa lalawigan ng Masbate sinabi ni Pines Arella­no, isang football coach na sa pamamagitan ng Kasibulan ang mga magulang ng mga batang kasali sa programa ay nagkaroon ng bagong pagtingin sa PAGCOR. “Sinasabi nila na mayroon palang programa ang PAGCOR na labis na nakaka-touch ng buhay,” sabi ni Arellano. Inilahad ni Arellano kung paano nakapagbigay ng bagong buhay sa mga kabataan at sa ibang sektor ng kanilang komunidad ang proyektong ito. “We have more than 6,000 students, out-of-school youths and people with disabilities who took part in the Kasibulan project. Even kids from remote areas have been reached by this program,” wika nito.

“They believe that even if they are poor, they can get scholarships when they get to college if they become ex­ceptional football players. This is what normally motivates many Masbateños to do what they can for this sport,” dagdag pa ni Arellano. Ibinahagi rin niya na maraming kabataan sa Masbate ang naniniwalang ang football ang maaaring maging kanilang unang hakbang sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa buhay. Sa paglunsad nito, ang Kasibulan project ay nakumpleto ang 115 Grassroots Course at Festival (GCF) sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang GCF ay ang dala­wang-araw na kurso para sa mga guro at coach. Ito rin ang magsasanay at magtuturo sa mahigit  na 500 mga bata ng basic football skills. Ang plano ng PFF ayon kay Pastoral ay, “to bring the (Kasibulan) program to 44 different venues nationwide so that by the end of October, we can complete 198 festivals with the support of our 33 Provincial Football Associations.” Upang higit pang palakasin ang programa ng Kasibulan, ang mga football coach ay naniniwalang ang katutubong football ay dapat kasama sa kurikulum ng DepEd. “We want the football project to be a part of the K1 to 12 program of DepEd. If a kid becomes a very good player, he will have a lot of opportunities in the future,” wika ni Pastoral.  Bukod mula sa PFF at PAGCOR, ang mga proyekto ng Kasibulan ay suportado rin ng Department of Education (DepEd) at Asian Football Development Program of Jordan Prince Ali Bin Al Hussein.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, tunay na mahilig sa sports ang bawat Pilipino. Ang pagpasok ng larong football sa Pilipinas ay isang patunay na ang ating bansa ay handa ng makipagsabayan sa mga banyagang manlalaro sa iba’t ibang panig ng mundo sa larong ito. Malaki ang naitulong ng PAGCOR upang mailunsad ang larong ito at maipalaganap sa buong bansa. Nais kong kunin ang pagkakataong ito, na bigyang papuri si Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat at sampu pa ng kanyang mga kasama sa isa na namang matagumpay na Kasibulan Grassroots Football Program’ na kanilang sinuportahan. (KINALAP NI CARLA CALWIT)Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal,ang aming numero 09213263166 / 09198972854/ 09213784392. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor CityState Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes mula 9am-5pm.

 

vuukle comment

ARELLANO

FOOTBALL

KASIBULAN

PAGCOR

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with