Pangulong Marcos tinabla ang pagdeklara sa Pampanga bilang PH culinary capital
MANILA, Philippines — Dahil umano sa nagdudulot ng diskriminasyon kaya hindi vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang magdedeklara sa lalawigan ng Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines.”
“However, while I recognize the noble intention of the authors, I cannot ignore the concerns regarding the declaration’s lack of historical basis, the absence of a thorough study that shows key performance indicators for such designation, and the possibility that the bill may offend sensibilities in other provinces that are equally proud of their culinary contributions,” pahayag ni Marcos.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na magiging “discriminatory” ang panukala sakaling maisabatas.
“Kung lalabas na may pipiliing isang rehiyon, parang ito na ang pinakamasarap, o pinakamagaling, pinakamaganda baka isipin ng mga tao especially mga dayuhan na nais pumunta sa Pilipinas na iisa lang ang rehiyon na maaaring puntahan at sabihing pinakamaganda at pinakamasarap na pagkaing local foods,” pahayag pa ni Castro.
May kaniya-kaniyang husay at galing aniya kaya dapat hindi lang iisang rehiyon ang kikilalanin pagdating sa pasarapan at galing sa pagkain.
Sakali naman aniyang mayroong ibang mambabatas na maghain ng ganitong panukala, ay pareho rin ang gagawin ng pangulo, ibe-veto ito at ibabalik sa kongreso.
- Latest