Sunog sumiklab sa Valenzuela: 3 patay!

MANILA, Philippines — Patay ang tatlo katao kabilang ang isang mag-ama matapos na sumiklab ang malaking sunog sa residential area sa Malinta, Valenzuela City na ikinadamay ng ilang kabahayan sa Malabon City, nitong Sabado ng tanghali.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang naturang mga sunog dakong alas-12:15 ng tanghali sa kahabaan ng Area 4 Pinalagad, Malinta, Valenzuela City.
Ayon kay BFP CAMANAVA District Fire Marshall FSSupt. Rodrigo Reyes, ang mga nasawi ay may edad 53, 40, at 12. Dalawa naman ang nasugatan, kabilang ang isang 37 taong gulang na lalaki na nagtamo ng sugat sa balikat at isang 8-taong gulang na lalaki na nagtamo ng 2nd-degree burn sa hita at binti.
Sinabi ng umiiyak na ginang na si Adeline Yu na hindi niya akalain na ang kanyang asawa at 12-anyos na anak ang natupok ng apoy kasama ang kanilang trabahador.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Valenzuela, alas-12:25 ng tanghali ay agad na naideklarang nasa second alarm ang sunog na mabilis na kumalat sa iba pang katabing bahay sa lugar.
Nasa mahigit 20 kabahayan naman ang natupok ng apoy ang mga tahanan at nakaapekto sa 26 pamilya kung saan nagsimula ang sunog sa isang basurahan na mabilis na kumalat sa lugar.
Dakong alas-12:25 naman ng hapon nang maitala ang ikalawang alarma sa nasabing sunog at idineklarang fireout ng alas-5:40 ng hapon.
Naapektuhan din ng sunog ang residential area sa Yanga Street sa Brgy. Maysilo, Malabon.
- Latest