Panloloko ng rice traders inilantad ni Ben Tulfo
MANILA, Philippines — Ibinunyag ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo ang mga modus ng mga agricultural traders sa mga magsasaka ngayong anihan. Sa isang eksklusibong interview kay Ben BITAG Tulfo ng CLTV36, sinabi nito na kanyang tututukan ang kapakanan ng mga magsasaka sa bansa dahil sa panloloko ng mga agri-traders.
Kasunod ito sa mga dagsang reklamo ng mga magsasaka na dumulog kay Ben Bitag Tulfo at inilahad ang kanilang mga naranasang sindikato ng mga bogus na rice traders.
Dinetalye ni senatorial candidate Ben BITAG Tulfo ang modus operandi. Una, pinapakyaw ng mga agri-traders ang mga ani ng mga magsasaka.
Inihalimbawa na sa halagang P2 milyon na pakyaw sa mga aning palay, layon nilang akitin ang mga magsasaka ng mga dumadayong traders.
“Pangalawa, pinapakitaan sila ng mga bagong P500 bills na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso galing sa bangko. “Pangatlo, pinapangakuan na sa loob ng isang linggo, pwede na umanong i-encash yung balanseng P1.5-milyon, dalawang tseke na tag-P750,000,” dagdag nito.
At pang-apat, ang mga impormasyon patungkol sa katauhan ng trader ay bogus at ang kanilang ginagamit na guarantor ay kasapakat ng kanilang modus.
- Latest