^

Police Metro

Dept. of Disaster and Emergency itutulak ni Ben Tulfo

Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Dept. of Disaster and Emergency itutulak ni Ben Tulfo
Si senatorial aspirant Ben “Bitag” Tulfo habang nagsasalita sa harap ng mga dumalo sa 4-day training para sa disaster preparedness ng Liga ng mga Ba- rangay-Tacloban chapter nitong Miyerkules.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nais ni senatorial aspi­rant Ben “BITAG” Tulfo ang pagbuo ng “Department of Disaster and Emergency at ilagay sa ilalim nito ang National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Ang NDRRMC ay kasalukuyang nasa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD), kung saan ang OCD ay nasa ilalim naman ng Department of National Defense (DND).

Ayon kay Tulfo, kinakailangang ihiwalay na ang NDRRMC para magkaroon ng tama at agarang pagresponde sa mga sakuna, agarang pamamahagi ng mga relief goods kasunod ang rehabilitasyon sa mga nasalanta.

Sa datos ng World Risk Index (WRI), numero uno aniyang disaster-prone country ang Pilipinas sa buong mundo simula noong taong 2009, taong 2023 at 2024.

“Ang mga bagyo at pagbaha ngayon ay unpredictable at talagang mapaminsala. Kung dati ang Mindanao ay traditionally safe, ngayon, hindi na tayo ligtas,” paliwanag nito.

Binigyang-diin din niya  na sakop ng isinusulong niyang Department of Disaster and Emergency ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kawani nito.

“I want to take this opportunity, in God’s will and God’s grace if I win, I want to revisit the existing House Bill 8165 or the Department of Disaster Resi­lience Act na pumasa noon sa Kongreso noong 2020, na minaliit naman ng ilang mga senador noong nakaraang administras­yon,” paliwanag ni Tulfo sa ginanap na 4-day training nitong Miyerkules, para sa disaster preparedness ng Liga ng mga Barangay Tacloban Chapter na ginanap sa Metro Manila.

Una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, na suportado niya ang pagbuo ng nasabing hiwalay na departamento matapos ang magnitude 7 earthquake sa Abra noong taong 2022, na kakaupo pa lamang noon sa pagka-pangulo.

BEN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with