Mga brgy. volunteers, bigyan ng life insurance - Ben Tulfo
MANILA, Philippines — “Papaano kung ikaw ay namatay bilang isang volunteer na frontliner sa panahon ng kalamidad? Anong mangyayari sa iyong pamilya na naiwan? Walang life insurance sa mapanganib na gawaing ito?”.
Ito ang mga binitiwang salita ni Ben “BITAG” Tulfo sa kaniyang pagharap sa dalawang munisipalidad sa Nueva Ecija kung saan siya ay naimbitahan na tagapagsalita kahapon.
Sa dalawang bayan sa lalawigan na naikot ng senatorial candidate na si Ben “BITAG” Tulfo, ang Talavera at Rizal, iisa ang kaniyang mensahe, i-prayoridad ang kapakanan ng mga barangay volunteer sa buong Pilipinas, bigyan sila ng life insurance.
Sa kasakuluyan, ang tinatanggap ng mga barangay tanod at iba pang mga volunteer, mataas na ang P1,000, kada buwan,” ayon kay Ben “BITAG” Tulfo. Ang kapakanan ng mga volunteer ang mahalaga sa akin dahil buhay nila ang nakataya,“ dagdag pa ng senatorial candidate.
- Latest