^

Police Metro

Ex-cop ‘utak’ sa pagpatay sa beauty queen, Israeli BF arestado!

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-cop �utak� sa pagpatay sa beauty queen, Israeli BF arestado!
Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 bet Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen in this photo posted on Facebook on June 25, 2024.
Facebook / Finding Geneva and Yitshak

MANILA, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang ikaapat na suspect na itinuturong mastermind sa pagpatay sa Pampanga beauty queen na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitzhak Cohen noong Marso 2024.

Kinilala ang nadakip na dating na si Michael Angelo Guiang, 32, may asawa, na-dismiss sa serbisyo noong 2020 matapos mag-AWOL (Absence Without Official Leave) at siyang itinuturong nagplano at utak mismo sa pagpatay kina Lopez at Cohen.

Sa report ng Tarlac Police, si Guiang ay nasakote noong Marso 19 sa Brgy. San Francisco, Santa Ignacia, Tarlac dakong alas-6 ng gabi, sa bisa warrant of arrest na inisyu ni Judge Sara Bacolod Vedaña delos Santos, presiding judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 109, Capas, Tarlac noong Marso 10, 2025. Walang inirekomendang piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado na nasa na kustodya ng Santa Ignacia Municipal Police.

Sa imbestigasyon, kinutsaba ni Guiang ang dati nitong kasamahang pulis na si Rommel Abuzo na na-kick out din sa serbisyo noong 2019, upang isagawa ang krimen matapos namang mabigo ang una na bayaran ang utang nito sa nasabing beauty queen na inalok nito sa mabibiling hektaryang lupain.

Ang ikatlong suspect ay nahuli naman ng mga awtoridad sa pagbebenta ng illegal na armas.

Magugunita na noong Hulyo 6, 2024 ay nadiskubre ang krimen matapos na matukoy ang pinaglibingan kina Lopez at Cohen sa isang quarry site sa Capas, Tarlac.

YITZHAK COHEN'

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->