^

Police Metro

Philippine General Hospital, nilamon ng apoy

Mer Layson - Pang-masa
Philippine General Hospital, nilamon ng apoy
SETYEMBRE 17, 2024 Nag-evacuate ang mga pasyente at iba pa sa open area ng Philippine General Hospi- tal compound sa Maynila upang maiwasan na makalanghap ng usok mula sa nasu- sunog na bahagi ng ospital, kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sumiklab ang sunog sa Philippine General Hospital sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma ng alas-6:07 ng umaga, at ikalawang alarma pagsapit ng alas-6:21 ng umaga.

Naapektuhan sa sunog ang audio visual room ng ospita  gayundin ang Out Patient Department (OPD) ng PGH, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Kinailangang ilikas ang mga pasyente sa OPD na ang ilan ay naka-stretcher at wheelchair.

Kinailangan ding ilikas ang blood donors sa kabilang gusali ng compound dahil na rin sa sunog at usok.

Samantala, sinabi ng Department of Health na handa itong tulungan ang PGH sa paglilipat ng mga pasyente kung kinakailangan.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa BFP, nagsimula ang sunog sa isang silid sa ikalawang palapag ng Central Block Building. Idineklarang fire out pasado alas-7:00 ng umaga. Pinayagan ding bumalik ang mga pasyente sa OPD pagsapit ng alas-7:23 ng umaga.

BFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with