^

Police Metro

2 ginang, arestado sa higit P1 milyong shabu

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang ginang ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Drug Enforcement Unit sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Director PBGen Redrico A. Maranan, ang mga suspek na sina Rowena Camua, 55, ng Brgy. 103, Maynila, at Lindsay Loterte, 51, residente ng Barrio Bareta, Olongapo City

Sa tip na natanggap ng DDEU na pinamumunuan PMaj Wennie Ann Cale, nagsasagawa ng illegal drug peddling activity ang mga suspek.

Kaya’t alas-4:35 ng madaling araw kahapon nang ikasa ang buy-bust operation sa No. 6 General Lim, Brgy. Sta Cruz, Quezon City at nag­resulta sa pagkakadakip kay Loterte. Nakuha dito ang 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000, isang cellphone, isang bonnet at buy-bust money.

Bandang alas-6 naman ng umaga nitong Linggo nang matimbog si Camua sa parehong lugar at nasamsam ng 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000, isang cellular phone, isang coin purse, isang booklet, isang ID card at ang buy-bust money.Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa illegal drugs.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with