^

Police Metro

Empleyado, dedo sa rider

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang empleyado nang barilin ng isang motorcycle rider habang naglalakad sa Tondo, Maynila, kahapon.

Ang biktimang si alyas ‘Darius,’ ng Osorio Lacson St., Tondo ay nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan. Habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang hindi pa kilalang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na jacket at itim na helmet.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section na alas-7:55 ng umaga nang maganap ang krimen sa Gerona St., kanto ng N. Zamora St., Tondo.

Batay sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad sa lugar ang biktima nang bigla na lang barilin ng suspek, lulan ng isang asul na Yamaha Mio motorcycle, at mabilis ring tumakas patungong Franco St., bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Nag-iimbestiga na ang mga otoridad upang matukoy ang identidad ng suspek at ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with