^

Police Metro

Dalagitang estudyante, tupok sa sunog

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 13-anyos na dalagita sa naganap na  sunog sa bahay na tinitirahan ng dalawang pamilya sa Purok 2, Brgy. San Carlos, Lipa City,Batangas, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng Lipa City police, alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa bahay ng biktimang kinilalang si Meagan Aicel May Gabuna, elementary student.

Ayon sa kasama nito sa bahay na si Jersey Ortega, nagising na lamang siya sa amoy ng nasusunog na bagay at sa makapal na usok sa loob ng kanilang kuwarto.

Kaagad na ginising nito ang mga kasamang nakatira at tumakbo papalabas at nalimutan umano ang biktima na natutulog sa kabilang kuwarto na gisingin dahil sa pagmamadali.

Mabilis ding nag­responde ang mga tauhan ng Lipa City BFP at naapula ang sunog ganap na alas-3:40 ng madaling araw.

Sa isinagawang mopping operation ay nakita ang sunog na bangkay ng biktima sa kanyang kuwarto.

Napag-alaman din na nagsimula ang sunog sa kandilang ginagamit na ilaw sa kuwarto ng nasawing biktima.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with